Chapter 31: LOSER

111 6 2
                                    

MISHA

"Aalis ka na naman? Parang araw araw ka na yata pumupunta kila Sabrina, ah?" tanong ni nanay bago ako lumabas ng bahay.

Ilang araw na din kasi akong sunod sunod pumupunta kung saan nagta-trabaho si Gray, daig ko pa ang nanliligaw. Hindi naman siya ganon kalayo mula sa amin pero halos dalawang trip din bago ako makarating at mag-iisang oras at kalahati ang biyahe. Pumupunta ako before lunch para mabigyan siya ng pagkain, and yes, ang paalam ko kay nanay ay napunta lang ako kila Sab at nakakuntyaba ko naman ang kaibigan ko.

Hindi ko alam kung bakit ginagawa ko na naman ito kahit alam ko sa sarili ko na matagal na akong sumuko. Parang hindi na sumusunod ang utak ko sa gusto kong mangyari, tuluyan nang na-cover ng puso ko ang utak ko. At kung puso na ang pinag-uusapan, kahit siguro anong hirap titiisin ko. Kahit pa sabihing may girlfriend ito. Susuko lang siguro ako kapag kasal na siya? Or may anak na? May pamilya na?

"'Nay, bakasyon naman. Pagbigyan mo na 'ko!" nagpa-cute pa ako sa harap ng nanay ko kahit alam ko naman na papayag din siya bandang huli.

"Basta umuwi ka ng maaga, ha!"

"Opo, 'nay!"

Masigla akong lumabas ng bahay dala ang bagong dishes na ipapatikim ko kay Gray. Hindi lang siya basta pagkain, it was made from the bottom of my heart kaya alam kong masarap ito. Gumawa ako ng stir fry beef and green beans at double chocolate chip cookies para naman sa dessert.

"Sana magustuhan niya." kinikilig pa ako habang nakasakay na sa bus papunta sa office ni Gray.

Nakakatuwa naman na kahit may pagkamasungit pa din siya, hindi niya pa din ako iniignore. Hindi niya ako iniiwasan or tinatakbuhan, in fact, hindi na niya ako pinapaalis katulad ng pagtataboy niya sa akin noon sa ospital. Nasasanay na din siguro siya na palagi akong bumibisita. Siguro kapag nalaman ito ni Siri, baka masabunutan niya ako or worse, i-ban niya ako sa office kahit hindi naman siya employee doon.

Narinig ko kasi minsan ang dalawang babae sa front desk na nag-uusap habang nakaupo ako sa couch ng lobby at hinihintay bumaba si Gray. Pinag-uusapan nila si Siri, na kilala pala nila, kung bakit hindi na daw napunta doon at ako na daw ang pumalit. Iniisip pa nga nila na baka nag-break na 'yung dalawa at naipagpalit na agad sa akin. Hindi ko alam kung sinasadya nila iparinig 'yun sa akin pero sinasabi nila na rebound lang daw ako kasi alam naman daw nila kung gaano kamahal ni Gray si Siri.

And so? Wala akong pakialam. I'm just happy with what I'm doing at kahit may pagka-bipolar si Gray, hindi ako magsasawang gawin ito sa kanya... unless, magka-asawa na siya.

Pagkarating ko naman sa office, hindi na ako tinanong ng receptionist kung sino ang hinahanap ko dahil ilang araw na din akong nandito at mukhang nakilala na nila ako. Hindi din nakakaligtas sa paningin ko ang pagdilim ng expression nito tuwing makikita ako at padabog palaging dinadampot ang telepono para tawagan siguro si Gray.

Feelingera 'tong babae na 'to, hindi naman siya ang nililigawan ko.

Naupo na lang ako sa usual spot ko sa couch katapat ng malaking TV screen para maghintay sa pagbaba ni Gray. It's almost 12pm kaya nag eexpect ako na bababa na din siya maya-maya.

Nanood na lang ako ng TV habang naghihintay pero itong si bitchy Alice, sa pagkakatanda ko na pangalan ng receptionist ng office, pinatay bigla ang TV at parang walang pakialam na nakipag usap na lang sa katabing babae. Napaka-unwelcoming naman. Pwede ba ako magreklamo kahit hindi naman ako client, applicant or employee dito?

Hindi ko na lang pinansin ang ginawa niya, instead, naghintay na lang ako at tuwing tumutunog ang elevator napapatingin ako at nagkakandahaba ang leeg ko sa pagtanaw kung nakababa na ba si Gray. Bumabalik lang ako sa upuan kapag hindi siya ang niluluwa ng elevator.

Fantasma: The Impossible Affection [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon