Chapter 20: HOSPITAL

128 6 0
                                    

XAVIER

It's already 1 am.

We've spent almost four hours na sa Paradise kaya halos lahat ay lasing na din gaya ko pero ang mga tao na nagsasayaw sa dance floor at ang malakas na party music ay buhay na buhay pa din.

Si Siri na kanina ay mukhang malungkot at problemado, ngayon ay nakikisaya na din sa table namin.

"Let's take a picture, guys!" sabi ni Gelo at inilayo ang hawak na mobile phone para mag picture.

Nang makuhanan ng maayos ni Gelo ang lahat, pinagdikit niya bigla kaming dalawa ni Siri.

"Picture muna, smile!" tinapat niya ang camera sa amin ni Siri.

Napatingin ako sa babaeng katabi ko and she gave me the sweetest smile that she'll ever have kaya napangiti na lang din ako at umakbay sa kanya. She lay her head on my shoulder at sabay na nag smile sa harap ng camera.

"Oh God, akalain mo na magkaka picture kayo after all these years." napapailing pa si Gelo habang tinitingnan ang nakuhang picture sa amin ni Siri. "Hindi niyo ba namimiss ang isa't isa?"

"Wait, magkakilala sila?" singit ni Jamie sa usapan.

"Mag ex sila, babe. Hindi mo alam?" sagot naman ni Gelo na hindi pa din inaalis ang tingin sa picture na kinuha sa amin.

"Omg, girl, bakit 'di mo nasabi sakin na may ex ka palang sobrang hot?"

"Dude! Ano ba, may boyfriend na si missy, tapos may Misha pa 'tong si Xavier, 'wag ka na magulo!" nakasandal na si Ethan sa couch na halos pahiga na dahil sa kalasingan. "Ako na lang walang jowa dito!"

"Misha? So, may girlfriend ka na din pala?" napatingin sa akin si Siri nang marinig ang sinabi ni Ethan.

"Hindi ko pa siya girlfriend... you can say, nililigawan. Bakit?" ngumiti ako sa kanya nang makahulugan na para bang may hinihintay akong sabihin siya about doon.

"Wala lang." she shook her head slowly at sinandal ang ulo sa couch without removing her eyes from me.

So I did the same.

"Gaano na kayo katagal ng boyfriend mo?" I ask without thinking, parang bigla naging interesado ako sa buhay niya after we broke up.

"Almost two years."

"Hmm, two years?" napaisip ako sa sinabi niya. "So, you fell out of love and broke up with me kasi you fell in love with someone else, ganon ba?" mapait na tawa ang kasunod ng sinabi ko at kumuha ulit ng alak para uminom.

Why am I bringing up the past, anyway? Hindi siya sumagot.

"Batch mate mo? School mate?" trying to probe more.

"No, graduate na siya and he's working as an Accountant Manager and nakilala ko lang siya. Why are you asking, by the way?"

"I just want to know how were you doing these past few years. How about we exchange phone numbers?" inabot ko sa kanya ang phone ko para i-key in ang contact number niya pero nag alangan siyang kunin iyon sa akin.

"I don't think my boyfriend would like that."

I chuckled and look straight into her eyes. "I don't think your boyfriend would know that."

"Dude," inalis ko lang ang tingin ko kay Siri nang may tunapik sa balikat ko. Si Ace. "You're drunk. Let's call it a night?"

Nilibot ko muna ng tingin ang paligid bago sumagot. Lasing na lasing na si Ethan at mukhang natutulog na sa couch, tuloy pa din ng landian si Gelo at Jamie at wala na din dito ang babae na kasama ni Ace.

Fantasma: The Impossible Affection [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon