Chapter 14: ASTRAL

131 9 2
                                    

MISHA

Parang bigla ako nakarinig ng background music, 'yong sweet, habang nakatingin lang kaming dalawa sa isa't isa.

Wait, seryoso ba 'yong tanong niya?

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at sinasabayan pa 'yon ng sunod sunod na pagkurap ng mga mata ko. Kinakabahan ako, shet. Bakit naman kasi ganon ang tanong niya?

Kung magugutuhan ko ba siya? As in, 'yong parang pagkakagusto ko kay Xavier, ganon?

"Uhm..." napapalunok ako ng paulit ulit dahil kahit gusto kong magsalita, hindi ko kaya kasi parang may nakabara sa lalamunan ko at isa pa, wala akong maisip na sabihin.

Bakit hindi na lang kaya ako maging honest? What if... buhay nga si Gray, magugustuhan ko nga ba talaga siya?

He's nice, gwapo naman din siya at... kasing ganda ng mga mata niya ang mga mata ni Xavier.

"Sa tingin koー"

"I'm just kidding, Misha." sabay tumawa ng malakas si Gray.

Naikuyom ko ang kamay ko na pawis na pawis. Pinagti-tripan niya ba ako?

"Ang question ko talaga is... kung sakali nga na buhay ako, would there be a chance na magustuhan mo 'ko as your friend?"

"Uh... o-oo naman! Bakit naman hindi?"

Ngumiti siya sa akin. "Turn mo na."

Nanginginig pa ang mga kamay ko habang dinadampot ang dice sa ibabaw ng board. Kanina niya pa ako pinagti-tripan, ah! Kailangan ko makabawi.

Buti na lang at nakakuha ako ng property kaya chance ko na para mang-trip din sa kanya.

"Okay... ang tanong ko, what if buhay ka nga talaga, would there be a chance na magustuhan mo din ako?" and I gave him an evil grin, ikaw naman ang magdusa ngayon.

Pero bakit parang pinaglalaruan ako ng tadhana at ako lagi ang talo?

"I like you already, Misha." with a freaking sincere eyes.

Bumalik na naman ang sweet background music sa isip ko habang nakatingin kami sa isa't isa. Did he just confess to me? Wait... gusto niya ako? As in, crush, ganon?

Pero saglit niya pa lang ako nakakasama, diba? Hindi pa naman ganon katagal nang magkakilala kami. Paano niya magugustuhan ang isang tao nang hindi pa naman niya ganon kakilala? Oh yeah, he already knows everything about me.

Hindi na naman ako mapakali. Dapat siya 'yong nakakaramdam ng ganito dahil ako ang nang-trip ng tanong sa kanya, diba? Bakit ako 'yong apektado? At shet na malagket kang puso ka, bakit ang bilis bilis ng tibok mo?

Bakit ako naaapektuhan sa lalaking wala naman physical body at hindi kilala kung sino siya? I mean, wala namang babae na nagkakagusto sa isang multo, diba...

...ako ba ang una?

"I like you as my friend already."

Bigla naman akong sinampal ng katotohanan nang magsalita ulit si Gray. Okay, ako na ang talo.

"Okay! Ikaw na!" pagalit na sabi ko.

Bakit ako napipikon?

"Alright." ako lang ba o nakangisi siya sa akin habang nag roroll ng dice at pinapaandar ang token sa board.

I rolled my eyes.

"I got a property!" masayang sabi niya habang kinukuha ang title deed card. "Okay, so my question is... this is a serious question, Misha."

Fantasma: The Impossible Affection [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon