This chapter is dedicated to my besty (lucazerone) na talagang ilang araw akong kinulit para mag update so, ayon, nakapag update tuloy ako before weekend. I appreciate your votes and comments, guys. Love you all! ❤
●●●●●
MISHA
Ramdam na ramdam ko ang lamig ng airconditioner sa loob ng private room ng ospital na ito and it's running through my spine which makes me chill. I suddenly got goosebumps.
"Nice joke, Gray." sinubukan ko ibalik ang ngiti kanina sa mga labi ko but I think I failed. Masiyado yata nadurog ang puso ko sa sinabi niya kaya hindi na ako makangiti ngayon.
Once again, naghihintay ulit ako na sabihin niya ang salitang joke pero ilang minuto ang nakalipas na nakatayo ako sa harapan nila ni Siri, hindi dumating ang salita na 'yon.
"Uhm, you know each other?" si Siri ang bumasag ng katahimikan at salitan na tiningnan kaming dalawa na hanggang ngayon ay magkatitigan pa din.
Hindi ako sumagot, hindi din siya sumagot. Ibig bang sabihin nito, naaalala niya ako? So ano'ng pakulo niya ngayon?
"Uh, okay?" si Siri na ang nagiging awkward sa aming dalawa. "Babe, I'll just buy these meds tsaka I think she need to talk to you in private, so..."
"Babe..." sa wakas nagsalita na din si Gray.
Pero bakit parang tinutusok ng maliliit na karayom ang puso ko nang tawagin niyang babe si Siri? Of course, she's the girlfriend, stupid!
Gray held her hand, in front of my fvcking eyes!
"I don't know her."
Mga ilang beses niya pa ba kailangan durugin ang puso ko? Bakit ganito, bakit hindi niya ako maalala?
"I'm getting worried. Hindi kaya nagka-amnesia ka?"
"Come on, I remember every single detail of what happened in my whole life and she's not part of it."
She's not part of it.
Gusto ko na lang maiyak. Ang sakit naman marinig sa kanya na hindi ako naging parte ng buhay niya.
"So, I guess you need to talk to her."
Gray sighed, surrendering. Hinalikan pa siya ni Siri sa pisngi bago dumaan sa akin at tinapik ako sa balikat at tuluyan na lumabas ng kwarto.
Lalo akong nanginig sa kaba nang maiwan kaming dalawa. Nakasandal lang siya at nakatingin sa akin na halatang hinihintay ang sasabihin ko.
Naglakad ako para makalapit ng konti. Bakit ang cold ng tingin niya? It's not the same eyes I've used to see everyday. Nakakapanibago na hindi ko nakikita ang ngiti niya ngayon. Hindi ako sanay.
"Gray, akala ko nawala ka na lang bigla." nagsimula ako magsalita pero hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. He's glaring at me na para bang may ginawa akong kasalanan sa kanya. "Buti na lang, nagising ka na. K-Kamusta ka na? Okay lang ba angー"
"Get out."
Lalong nanginig ang mga kamay ko. No, this is not Gray. He's not the Gray I know. Ano'ng nangyayari?
"Nakalimutan mo na ba ako? Kagabi lang magkasama tayo tapos nagpasalamat pa tayo sa isa't isa, balak pa nga natin puntahan ang katawan mo ngayon para subukan na makabalik ka at... at... sinabi mo na mahal mo 'ko."
You know what he did? He just rolled his eyes.
"You're not making any sense. I've been sleeping the entire time kaya imposible ang mga sinasabi mo. I don't know you so please get out of my room."
BINABASA MO ANG
Fantasma: The Impossible Affection [COMPLETED]
SpiritualSi Misha ay isang normal freshman student sa Rutherford University. Everything was normalー bagsak na grades, palaging napapagalitan ng prof at may ultimate crush na sobrang popular. It was a normal life.. ..or so she thought. She met a guy na sobran...