MISHA
Tingin sa kaliwa. Tingin sa kanan. Tingin sa kisame ng coffee shop. Tingin sa mainit na kape.
Jusko, titingnan ko na lahat ng nandito sa shop na 'to pero please 'wag lang ang mga mata ni Xavier. Feeling ko nangangamatis na maigi ang mukha ko.
Bakit ba kasi walang preno ang bibig na 'to, eh! Sobrang pahamak kahit kailan. Gusto ko na tumakbo palabas ng shop tapos umuwi.
"S-So... Sorrー"
"Kamusta pala 'yong tama ng bola sa'yo kaninang umaga?"
Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ay iniba na ni Xavier ang usapan. Siguro napapansin niya na sobrang napahiya ako ngayon kaya ibinaling niya na lang ang topic namin sa insidente na nangyari kaninang umaga.
"Uhm, o-okay naman ako. Hindi ako tinamaan ng bola." medyo awkward pa din na sabi ko.
"Are you sure? Kasi nakita ko mismo na sa'yo pumunta 'yong bola, unless, you have a guardian angel."
Sinalubong ko ang mga tingin ni Xavier. Guardian angel? Si Gray ba ang tinutukoy niya? Guardian angel ko ba talaga siya?
Hindi agad ako nakasagot sa sinabi ni Xavier at uminom na lang ng kape. Hanggang ngayon napakabilis pa din ng tibok ng puso ko, dahil siguro sa walang kwenta na tanong ko. Or baka nagpa-palpitate na ako sa iniinom ko na kape?
Pero medyo nalungkot din naman ako at the same time kasi kahit naging awkward kami bigla sa isa't isa, hindi niya pa din sinagot ang tanong ko. So it means, wala siyang gusto sa akin. Assumera lang talaga ako.
Kaya niya lang siguro ako niyaya mag coffee, dahil guilty pa din siya sa pagkakatama ng bola sa akin kaninang umagaー na ang totoo ay kay Gray tumama.
And speaking of Gray, napabaling agad ako sa wooden wall clock ng coffee shop.
Malapit na mag 7 pm! Bigla akong napatayo.
"Xavier, kailangan ko na umalis."
Tumingin naman si Xavier sa suot na wrist watch at saka ngumiti sa akin.
"I'll drive you home."
Sunod sunod na pag-iling ang ginawa ko.
"Hindi na, Xavier, kaya ko na mag-isa." tsaka isa pa, babalikan ko pa si Gray sa book store. Panigurado naiinip na 'yon.
"No, I insist. Gabi na, Misha... kapag may nangyaring masama sa'yo, I'll blame myself." tumayo na din si Xavier.
"O-Okay lang ako, promise. May bus namanー"
"Misha..." serysoso siyang tumingin sa akin. "I insist."
Hindi na ako nakatanggi sa offer niya kahit kating kati na ako bumalik ng book store. Tinulungan niya ulit ako makasakay ng kotse at tahimik na nag drive si Xavier.
"Sabihin mo na lang sa'kin kung saan ang daan papunta sa inyo."
"O-kay..." hindi ko maiwasan ang mag alala kay Gray. Nasa book store pa kaya siya? Hindi ko akalain na ang tagal na pala namin ni Xavier sa coffee shop.
Nagbilin pa naman ako sa kanya na hintayin ako doon. Hindi ko din naiwasan ang tingnan ang book store sa labas nang madaanan namin 'yon.
Hindi ko nakita si Gray, siguro nasa loob pa siya or baka umuwi na? Sana nasa bahay na siya ngayon. Pero diba nga, nagbilin ako na hintayin niya ako?
Kahit kasama ko ngayon ang ultimate crush ko, bigla akong nainip sa biyahe.
"Are you okay? Parang hindi ka mapakali diyan."
BINABASA MO ANG
Fantasma: The Impossible Affection [COMPLETED]
SpiritualSi Misha ay isang normal freshman student sa Rutherford University. Everything was normalー bagsak na grades, palaging napapagalitan ng prof at may ultimate crush na sobrang popular. It was a normal life.. ..or so she thought. She met a guy na sobran...