Chapter 6: FOOTSTEPS

168 9 0
                                    

Grayson

I really want to know kung sino ako sa past life koー kung isa nga ba talaga akong multo. I mean, bakit gumagala ang spirit ko?

Does it mean na mayroon pa akong mission na hindi natatapos sa mundo? Then bakit wala akong memories ng naging buhay ko?

Nababaliw na ako kakaisip but I'm so thankful to Misha dahil naniwala siya sa akin and I know na natatakot siya sa nangyayari but she's still there for me kahit hindi kami magkakilala.

She's peacefully sleeping right now at dahil hindi ako natutulog, binantayan ko na lang siya sa kwarto niya. Paikot ikot lang ako at tinitingnan ang mga gamit niya.

Of course, hindi ako nakikialam sa dresser niya. She's still a girl and I'm still a guy at ayoko naman makita ang undies niya. She'll feel embarassed for sure.

So.. I just checked out her study table, bedside table and walls full of framed photos.

I saw their family picture. Her mom, dad, older brother and Misha. They all look so happy.

On the other side, may picture din siya together with her classmate na sa pagkakaalala ko ay tinatawag siya ni Misha na Sabrina or Sab. They're bestfriends, I think.

Agaw pansin din ang isang picture na puno ng design na red hearts na gawa siguro sa colored paper. A guy wearing a baseball jersey habang may hawak na baseball bat. This picture is obviously a stolen shot dahil hindi nakatingin sa camera ang lalaki and medyo blurred din kasi.

Boyfriend? Crush? Idol? I don't know. Marami pa akong hindi alam kay Misha and I don't have any right para makialam sa buhay niya.

I'm happy enough na pinatuloy niya ako sa bahay nila and she's talking to me as if I am her friend.

I'm just bored na walang ginagawa and I tried to look for some books sa book shelf niya and.. wow! She doesn't have any book at all. I mean, kahit 'yong mga libro lang for school, wala.

Natawa na lang ako. Kaya siguro hindi siya masyado magaling sa academics, hindi siya nag-aaral.

Ilang beses pa ako nagpaikot ikot sa loob ng kwarto nang biglang bumukas ang pinto. Napatigil ako sa paglalakad at mataman na tiningnan ang sumilip.

Ang nanay ni Misha.

Nilibot ng mga mata nito ang buong kwarto at halata sa itsura niya ang pagtataka. Pagkalipas ng ilang sandali ay isinara na nito ang pinto.

I just shrugged my shoulders at nagpatuloy sa paglilibot sa maliit na kwarto ni Misha.

Hanggang sa sumikat ang araw at tumunog ang alarm clock na nakapatong sa bedside table. Nakita ko na dahan dahan umikot ng higa si Misha para patayin ang alarm clock at bumalik ng tulog.

Tumayo ako sa gilid ng kama niya at tiningnan si Misha na sarap na sarap sa pagtulog.

"MISHAAAAA!"

Narinig kong sumigaw ang nanay niya mula sa baba kaya napilitan bumangon si Misha. Papungay pungay pa ang mga mata at kinukusot pa ang mga ito. Patayo na sana siya mula sa kama nang mapatingin siya sa akin.

"Good morning." I said with a smile.

Ilang segundo ang nakalipas at nakatitig lang siya sa akin. Maya maya pa ay..

"AAAAAAHHHHHHHHHHH!!"

Nataranta ako sa biglang pagsigaw niya at nakita ko pa na hinatak niya ang kumot na ginamit niya para ipangtakip sa katawan niya.

"Wait, bakit? Ano nangyari?" hindi ko alam kung lalapitan ko ba siya o magtatago ako o aalis dito.

Hanggang sa narinig ko na lang ang mga yabag ng paa sa hagdan at ang pagbukas ng pinto ng kwarto.

"Anong nangyari?"

Dumating ang kuya niya.

Nakita ko naman na humihingal hingal pa si Misha habang pabalik balik ang tingin niya sa akin at sa kuya niya.

"Wala, kuya.." humawak siya sa ulo niya. "Nananaginip lang pala ako."

"Akala namin kung ano na nangyari sa'yo kung makasigaw ka diyan. Bumaba ka na at kumain."

Umalis ang kuya niya at sinarado ulit ang pinto. Tumingin ako kay Misha with a confused look.

"What happened?" I asked.

"Nagulat ako sa'yo, peste ka."

"Sakin?"

Bumangon siya at tiniklop ang pinag higaan.

"Akala ko may akyat-bahay na rapist."

"Me?" I chuckled. "Do I look like a rapist to you?"

Pagkatapos ayusin ang kama niya, lumingon siya sa akin at namewang.

"Siyempre, hindi ako sanay na gumising na may lalaking nakatingin sa akin pagmulat pa lang ng mata ko, 'no? Atsaka, pinanood mo ba 'ko habang natutulog?"

"Hmm.. medyo?"

"Pwede ba, nakakahiya kaya. Sige na, bababa na ako. Dito ka lang, ha?"

"Sama ako. Bored na bored kaya ako kagabi pa."

Saglit na nag-isip siya pero pumayag din naman bandang huli.

"Basta, behave ka lang ha?"

I nodded like a kid.

Bumaba na si Misha at sumunod naman ako sa kanya. Naabutan namin na nasa hapag kainan ang nanay, tatay at kuya niya.

Naupo na si Misha kasama ang pamilya niya at ako naman ay naiwan na nakatayo malapit sa kanila at iniikot lang ng tingin ang buong bahay.

"Ano, Misha, nakikita mo pa ba ang lalaki sa labas ng gate?"

Nagkatinginan kami ni Misha nang magsalita ang nanay niya. Ako ba 'yong tinutukoy niya?

"Ah, wala na. Hindi ko na nakikita."

"Sana naman ay nakauwi na siya sa kanila. Kamusta naman ang tulog mo?"

"Tulog ko?" natawa si Misha. "First time niyo yata natanong 'yan sa akin, 'nay?"

"Nagising 'yan si nanay kagabi dahil sa'yo." nagsalita naman ang kuya niya.

'Yong tatay niya ay busy sa pagbabasa ng newspaper at hindi pinapansin ang usapan ng tatlo.

"Bakit, 'nay? Ginising ba kita kagabi?"

"Itong si Jayson, kung ano ano pinagsasasabi. 'Wag ka makinig dyan sa kuya mo."

"Nako 'nay.." ganti ng kuya ni Misha. "Kanina lang kwento ka ng kwento na may naririnig kang naglalakad sa kwarto ni Misha ng hating gabi."

I was stunned for a second. So ayon ba ang reason kung bakit sumilip ang nanay niya ng hating gabi sa kwarto? So, naririnig pala ng ibang tao ang footsteps ko?

Parang gusto ko na talaga maniwala na isa akong multoー kaluluwa na naliligaw at hindi makapunta sa tamang landas.

Misha looked at me, worried.

"Sorry.." pabulong na sabi ko sa kanya kahit alam ko naman na siya lang ang makakarinig sa akin.

"N-Nay.. 'wag naman kayo manakot." nakabawi naman agad siya.

"Nako, wala 'yon Misha, ikaw Jayson.. kumain ka na nga lang dyan!"

Maigi na lang hindi na nangulit ang kuya niya at natapos na din ang usapan tungkol sa paglalakad lakad ko sa kwarto ni Misha.

I'll make sure to be careful next time.

••• To be continued •••

Fantasma: The Impossible Affection [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon