Chapter 28: LUCKY

120 8 0
                                    

MISHA

"Girl!! Ano na?! Ano na ang gagawin ko?" hysterical na sigaw ko habang paikot ikot sa kwarto ni Sabrina.

"Katulad nga ng kasabihang... don't promise when you're happy, don't make decisions when you're angry and don't decide when you're sad. So, ano ka ngayon?"

Napapasabunot ako sa sariling katangahan ko, nagpapagulong gulong din ako sa kama ni Sab hanggang sa mahulog sa sahig at masaktan dahil sa pagkakabagsak. I deserve this! Hindi ko na naman kasi gusto si Xavier pero bakit ko pa siya sinagot? I hate myself!

"Tulungan mo 'ko! Pumunta na tayo ng ibang bansa o kaya mag migrate tayo sa ibang planeta! Sabrina, kapag ako hindi mo tinulungan, iiyak ako sa gitna ng mall kasama ka."

"Ay, totoo? Sige, girl, simulan mo na umiyak sa gitna ng mall kasi wala akong maitutulong sa'yo. Ano'ng sabi mo kanina? Naisip mo nung time na 'yon na tanggapin ang magiging consequences? So ito na 'yon, nagsisisi ka na 'diba? Wait for your karma, Misha."

Dumapa ako sa sahig ng kwarto at doon na lang nag decide magpagulong gulong na halos inubos ko na ang lahat ng alikabok sa kwarto. Ayoko na magpakita kay Xavier, ayoko na!

*ring ring*

Napatingin ako sa phone ko at nang mabasa ang pangalan ni Xavier sa screen, maiyak iyak akong bumangon at tumakbo papunta kay Sab. Sana pala hindi ko na muna binigay ang phone number ko!

"Sab, sagutin mo tapos sabihin mo, ano, uhm... nawawala ako! Sabihin mo umalis ako kagabi tapos hindi na ako bumalikー"

"Huh. Accept the consequences pala, ha! Sagutin mo 'yan mag isa mo, 'wag mong takbuhan ang kalokohang ginawa mo."

"Iiyak talaga ako sa gitna ng mall kasama ka, I'm telling you." masama sa loob ko na sinagot ang tawag ni Xavier. "H-Hello?"

"Misha, nasaan ka?"

"Uhm, nasa..." pinandilatan ko si Sab para isenyas na kailangan ko ng idea kung ano ang dapat ko isagot pero inismidan niya lang ako kaya wala akong nagawa kundi magsabi ng totoo. "Nandito ako kila Sab. Bakit?"

"Busy ka ba ngayon? Isasama sana kita."

"Ah, oo busy ako ngayon! Ano, hmm, may lakad kami ni Sab ngayon." pinandilatan din ako ni Sab pero ngumisi lang ako sa kanya. "Sasamahan ko kasi siya sa... ano, ano'ng tawag dun? Uhm... family reunion! Yeah! So, ayon, sorry."

"Oh, okay. That's fine. Uhm, actually, makikipagkita ako kay Siri ngayon if you don't mind."

"Ah, sure sure! Sige lang, go lang. Makipagkita ka sa kanya." makipagbalikan ka na din kung gusto mo.

Syempre, hindi ko sinabi 'yon kahit gusto ko.

"Aren't you... going to ask me why? Kung bakit kami magkikita?"

"Ahh! Bakit nga pala?"

"Naalala mo ba 'yong nakwento ko sa'yo last time about doon sa picture namin ni Siri sa club? So ayon, nalaman ng boyfriend niya na sa akin 'yong jacket and he wants to talk to me today."

After ng katangahan na pagsagot ko kay Xavier, kinwento niya ang lahat ng nangyari sa club na 'yon hanggang sa pagbibigay niya ng jacket kay Siri at paghatid sa ospital. Everytime na mababanggit niya nga ang pangalan ni Gray, parang unti unti akong nagigising sa katotohanan na kaya ko lang sinagot si Xavier ay para pagtakpan ang tunay na nararamdaman ko.

"S-So... kasama si Grayson sa pagkikita niyo ni Siri?"

Gusto ko bigla bawiin na busy ako ngayon at sumama sa kanya para lang makita si Gray pero 'diba sinabi ko na din sa sarili ko na kailangan ko na mag-move on, so sino ang niloloko ko dito? Si Xavier ba o ang sarili ko? Maybe, both.

Fantasma: The Impossible Affection [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon