Chapter 17: DATE

137 9 3
                                    

MISHA

"In taxation, we have to learn how to prepare tax forms and determine what is taxable and what deductions are availaー"

"Gray, pwede bukas na lang ulit?" nakayuko ako sa harap ng study table habang wala sa sarili na nakatingin sa libro na pinag aaralan namin ngayon.

Binigyan niya lang ako ng nagtataka na tingin pero hindi ko na hinintay ang sagot niya at nagmadali na ako sumubsob sa kama sabay baon ng mukha sa unan.

Naramdaman ko na naupo si Gray sa gilid ng kama dahil lumubog ang bandang gilid nito.

"Misha, are you okay?" puno ng pag aalala ang boses niya.

Yes, I'm perfectly fine pero... this is just too sad. Nakakalungkot isipin na pagkatapos namin mag coffee ni Xavier last time, bigla na lang parang hindi niya ako kilala.

Bumalik bigla sa alaala ko ang ginawang pagtawag ni Sab sa kanya habang mag isa siya sa baseball field. Tumingin siya sa akin at sinubukan ko ngumiti pero tumango lang siya na para bang isa lang ako sa mga fan girls niya. I mean, oo yes, isa nga ako sa mga fan girls pero hindi pa ba kami friends? Or kahit acquiantance man lang? As in, wala lang talaga 'yong pagkakape namin?

Nakaka frustrate kaya sobrang dami kong pananakit na ginawa kay Sab sa buong araw. Sana pala hindi ko na lang kinwento sa kanya na niyaya ako ni Xavier magkape, eh di sana hindi niya tinawag ang atensyon ng lalaking 'yon.

Nakakawalang gana.

"Misha?"

Tumihaya ako ng higa at sinalubong ang tingin ni Gray na halatang nag aalala. Siguro napapansin niya na din ang biglang pagtahimik ko ngayong araw.

Ngumiti ako sa kanya.

"Okay lang ako, may iniisip lang."

"Ano iniisip mo? 'Yong nangyari ba kaninang umaga?"

"Hindi." sinabayan ko ng pag iling ang pagsisinungaling ko. Syempre, ano pa nga ba ang iisipin ko buong araw kung hindi ang pag snob sakin ng crush ko na para bang hindi kami nagkape at hindi niya ako hinatid sa bahay gamit ang kotse niya.

"Then why?"

"Wala! Iniisip ko lang kung papakainin ba kita ng pagkain, makikita ng ibang tao na nag-didigest yung pagkain sa loob ng tiyan mo."

"That's gross."

Natawa na lang din ako sa naisip kong kalokohan. Maya maya pa ay tinapik ko ang kama sa tabi ko.

"Mahiga ka, maluwag pa naman ang kama. Kahit hindi ka natutulog, nakakangalay pa din ang laging nakaupo."

"Are you sure?" halatang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"Oo naman, hindi mo din naman ako mahahawakan kaya kung may iniisip kang gawin sakin na masama, hindi mo 'yon magagawa."

Pagkatapos ko siya bigyan ng ngiti, humiga na din siya sa tabi ko at pareho kami ngayon nakatingin sa kisame ng kwarto.

"Buti na lang nandito ka, Gray."

"Hmm? Bakit naman?"

"Kasi may nakakausap ako. Hindi naman kasi lagi available si Sabrina para matawagan pero ikaw, lagi ka nandyan."

Naramdaman kong nilingon niya ang ulo niya sa akin kaya naman sinalubong ko ang mga mata niya.

"Let's be friends forever, then." halos pabulong na sagot ni Gray pero bakit pakiramdam ko 'yong boses niya kasing lungkot ng boses ko ngayon?

"Pinky promise?" tinapat ko sa kanya ang pinakamaliit na daliri ko at itinapat niya din doon ang sa kanya.

Kahit malamig na hangin lang ang nararamdaman ko, nagpanggap na lang kami na nakakapag pinky promise nga kami.

Fantasma: The Impossible Affection [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon