Chapter 34: RECOLLECT

122 6 1
                                    

Grayson

Isa na siguro sa fact na pumayag akong kumain ng dinner sa bahay ng stalker na 'to ay dahil hindi ako nag lunch kanina at ayoko na mag drive thru ulit. Sawa na ako sa fast food.

Pangalawa, uhm maybe, I just missed having dinner in a crowd with family and those chitchats. Namiss ko bigla ang parents ko dahil mababait ang parents niya, kasing bait ng sa akin. Masaya din because of some lame jokes from her tatay and kuya, and also the non-stop lectures of her nanay. I had so much fun.

Pangatlo, the place really looks familiar and it feels like I've seen this house before. Pero, as far as I know, first time ko makapunta sa lugar na ito. Everything seems so familiar. Mula sa gate, sa salas, sa dining area, sa hagdan at...

...sa kwarto niya.

I saw this room before, sigurado ako. I tried to think kung saan ko nga ba ito nakita at hindi naman nagtagal ay naalala ko din na nakita ko na ito sa panaginip ko. Yeah, the exact same structure I had in my dreams. But why? Suddenly, naalala ko 'yung babae sa panaginip ko na palaging nakatalikod at hindi ko nakikita ang mukha.

Tiningnan ko siya na kasalukuyang nakatalikod sa akin at may kinukuha sa ilalim ng kama. Is that her?

I just shook my head to remove all this thoughts. Ano ba'ng pinag-iisip ko? As if naman totoo lahat ng sinabi niya about sa astral projection. I mean, wala naman 'yun scientific explanation kaya hindi ako maniniwala hangga'tー

"Hey, where's the picture in here that full of hearts?"

I just found myself asking without thinking. Picture that full of hearts? Ano'ng sinasabi ko?

"Huh?" she looked at me, surprised.

"Huh?" pati ako nagtaka sa sinabi ko.

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang tanong na 'yun at kung bakit bigla ko tinanong iyon. Bigla na lang siya lumabas sa bibig ko. Am I too stressed about Siri or what? Bakit kung anu-ano na ang sinasabi ko?

Then it hit me.

Parang bigla akong nagkaroon ng migraine. I felt an intense headache and my vision become misty and blurry. I don't know if I'm about to faint pero I suddenly have the strength para tingnan ang buong kwarto.

I know this room, I've been here before.

I remembered every corner of this room, maging ang bintana, mga kurtina and I looked at the board game she's holding.

Monopoly. We used to play that, right?

Napadako ang tingin ko sa study table. Nakakalat ang mga papers, pens, pencils at highlighter pero ang pinaka napansin ko ay ang libro na sobrang familiar. I grabbed it at tiningnan ang laman nito. It has some marks from the highlighter.

I did this. I know, I put these marks here before.

Napalunok ako ng ilang beses at nanginginig na tumingin sa kanya. Maging siya, gulat na gulat din sa nangyayari. I'm being weird and strange at the same time but no one can blame me.

I remembered...

I suddenly remembered everything...

This room, the monopoly, these books, the walls, the curtains, the bed...

I remembered.

Tumingin ako sa kanya at hindi ko na napigilan tumulo ang luha sa mga mata ko. Oh God, what am I doing all this time?

"MISHA??!" I can't help but to scream her name.

How I miss to say that name...

Oh God...

Fantasma: The Impossible Affection [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon