GRAYSON
"Sir, nasa baba po ulit si ma'am Miya." sabi ng secretary ko na si Jane pagpasok sa office ko at saka binaba ang coffee na ni-request ko.
Nabawasan na naman ang trabaho ko dahil sa ilang araw na pagrerender ko ng OT para lang matapos ang lahat ng ito and thankfully, ilang folders na lang ang nakapatong ngayon sa table ko kaya medyo nakakapagpahinga na din ako during work hours.
"Okay." tipid na sagot ko saka lumabas si Jane.
It's been a week, or less, na pumupunta dito ang stalker ko na palaging may dalang lunch para sa akin. I find it so adorable sa isang babae na sobrang maalaga but then again, hindi pa din nawawala sa isip ko si Siri kasi from what I know, it's been two weeks since huli kami nagkausap which is 'yung confrontation with her ex boyfriend.
Pakiramdam ko ako pa ang mali sa lahat ng nangyayari at sana kahit isang text lang, kahit isa lang for these past few days... wala. Isang sorry lang ang hinihintay ko para maayos ito pero wala akong natanggap na kahit na ano. This is becoming annoying and I swear, hindi na ako natutuwa sa ginagawa niya.
I tried to check her Facebook account, kahit hindi naman ako mahilig sa social medias at madalang lang mag-online, nakikita ko naman na nag-share siya ng kung anu-anong memes nitong mga araw na hindi kami nagkikita. I scrolled down at naagaw ng atensyon ko ang status na pinost niya one week ago.
I fell in love, with love everlasting, but love fell out of me.
Napaayos ako ng upo sa nabasa ko. Wait, what does this mean?
Agad kong sinara ang Facebook app ko and dialled Siri's contact number. Bakit kasi ngayon lang ako nagbukas ng account ko? At bakit hindi niya sabihin sa akin personally kung ano nasa isip niya at kung ano ang nararamdaman niya. Bakit kailangan pa niya mag post through social media?
Ilang beses muna ito nag-ring bago may sumagot sa kabilang linya.
"Siri, what the hell is that status all about?" agad na sabi ko kahit hindi pa siya nagsasalita.
"Oh? Napatawag ka?" halata sa boses niya na hindi siya interesado na makausap ako at naririnig ko din na nagfi-flip siya ng libro so I assume na nasa university siya ng ganitong oras.
"Pwede ba tayo mag-usap?" I asked in a serious tone.
"Graduating na ako and I'm so busy. And so are you. So, bakit ka tumawag after all these days?"
Napahinga ako ng malalim at pilit na tinatago ang inis na nararamdaman ko dahil sa pinapakita niyang ugali sa akin. Hindi ba at siya ang may kasalanan, bakit ako ang nagmamakaawang makipag usap sa kanya?
"Serenity, we have a problem, remember? Mag-usap tayo."
"Oh, so you're calling me on my full name now, huh? Lucas, pakiabot nga ng highlighter na green. Gotcha! Thanks!"
Nakakapikon isipin na parang wala lang sa kanya ang mga nangyari. Kaya pala hindi ako nakatanggap ng kahit anong text or call sa kanya, dahil sa ganitong attitude niya.
"Tsaka anong problema ang sinasabi mo?" pagpapatuloy ni Siri. "Is this about Xavier? I already explained everything that time, 'diba? What else do you want?"
"Ako ba ang may problema dito?!" napatayo ako mula sa pagkakaupo sa swivel chair at nagpapalakad lakad dahil sa inis. Buti na lang at medyo malayo sa office ko ang colleagues ko kaya hindi nila maririnig kahit napapataas na ang boses ko. "Bakit parang wala kang pakialam?! Ako ba ang may kasalanan? Bakit parang kasalanan ko?!"
"Grayson, I already told you last time na kaya ako nagpunta sa club na 'yun with Jamie is because I'm so stressed about you and your damn comatose state body! And hindi ko sinasadya na makita si Xavier doon and he just gave me his jacket out of courtesy dahil naka-spaghetti strap ako! What the hell?!"
BINABASA MO ANG
Fantasma: The Impossible Affection [COMPLETED]
SpiritualSi Misha ay isang normal freshman student sa Rutherford University. Everything was normalー bagsak na grades, palaging napapagalitan ng prof at may ultimate crush na sobrang popular. It was a normal life.. ..or so she thought. She met a guy na sobran...