MISHA
"Napakadaya! Napakadaya! Napakadaya!" walang tigil na pagrereklamo ko dahil halos makuha na ni Gray lahat ng property sa monopoly at ako, eto, puro bayad na lang ng rent sa kanya. Tatlo pa lang yata ang nakukuha kong property.
Kung noon ay mayroon kaming question ang answer portion, ngayon naman ay truth or dare. Sosyal, 'diba? Si Gray ang nakaisip nyan, napakaraming alam.
"Okay, okay!" tatawa tawa pa si Gray habang kinukuha ang title deed card sa isang gilid. "Truth or dare?"
"Truth! Baka kung ano pa ipagawa mo sa'kin, eh!"
"Okay... hmm... nasaan na 'yung picture ni Xavier doon?" tinuro niya ang wall kung saan nakapaskil ang picture ni Xavier dati.
"Tinanggal ko na. Nasa drawer ng study table ko. Bakit?"
"Bakit mo tinanggal?"
"Wala. Hindi ko na siya crush, eh! Pero syempre, tinago ko sa drawer kasi, you know, naging parte din naman siya ng buhay ko atー"
"Tapon mo na 'yun."
"Huh? Bakit ko itatapon? Excuse me, 'no? Hirap na hirap pa ako para lang makakuha ng stolen shot na 'yun tapos itatapon ko lang? No way!"
Tumayo si Gray para pumunta sa drawer pero inawat ko siya.
"Bakit ko ba kailangan itapon?! Nakatago na lang naman, eh!"
"Bakit kailangan mo pa itago? Crush mo pa din yata 'yun, eh!"
Napangiti ako sa sinabi niya. "Nagseselos ka ba?"
"What?! No, no, no way. Sige, itago mo na lang forever, ha? Itabi mo na din sa pagtulog, saya mo eh, 'no?"
Hindi pa din nawala ang ngiti sa labi ko habang nakatingin kung paano niya pa pagtakpan ang sarili niya, eh nagseselos naman talaga siya. Halatang halata naman.
Why so cute, Grayson?
"Oops! Game, game. Ako na!" dinampot ko ang mga dice sa board at nag roll.
8 moves. Pinaandar ko ang token at sa wakas, nakakuha ako ng property.
"Yesss! Truth or dare?" excited na tanong ko sa kanya at natigilan lang ako nang makita siyang nakangiti sa akin.
Na-miss ko ang mga ngiti na 'to. Gaano ko ba katagal hinintay na dumating ang pagkakataon na ngingiti ulit siya sa akin ng ganito katulad ng dati?
"Dare."
"Hala. Dare? Ano papagawa ko sa'yo?" inikot ko ang tingin ko sa buong kwarto at naghahanap ng pwede maipagawa sa kanya. Pero wala akong makita kaya inilahad ko na lang ang kamay ko sa kanya. "Shakehands tayo."
Tinaas niya ang isang kilay niya na parang ang weird ng dare ko sa kanya.
"What? You promised!" nagsalita na lang ako nang hindi siya sumagot. "Sabi mo nga sa akin noon, unang gagawin mo kapag nagising ka ay hawakan ang kamay ko."
Saglit na tiningnan niya ang kamay ko at hinawakan niya na din naman agad. Hindi nga lang shakehands ang ginawa niya, hinawakan niya ito na parang couple na magka-holding hands.
Napangiti naman ako sa ginawa niya at 'yung way ng pagtingin niya sa mga mata ko, ramdam na ramdam ko na mahal niya ako kaya hindi ko maiwasan ang kiligin. Nawala na lang ang pagpapantasya ko nang bitawan niya bigla ang kamay ko.
"Okay na? Nasarapan ka, eh 'no? Game na, ako na ulit." kinuha niya na ang dice.
Sinimangutan ko na lang siya at pinanood kung gaano siya ka-excited sa paglalaro. Natutuwa pa din naman ako dahil after ng lahat ng paghihirap at pagtitiis na ginawa ko, makukuha ko din ang gusto ko in the end. All sacrifices are worth it.
BINABASA MO ANG
Fantasma: The Impossible Affection [COMPLETED]
SpiritualSi Misha ay isang normal freshman student sa Rutherford University. Everything was normalー bagsak na grades, palaging napapagalitan ng prof at may ultimate crush na sobrang popular. It was a normal life.. ..or so she thought. She met a guy na sobran...