Chapter 2: WEIRDO

191 9 0
                                    

Misha

Tamad na tamad na pagbangon ang ginawa ko nang marinig ko na naman ang pagwawala ng alarm clock ko. Minsan naiisip ko na lang, napaka swerte ng mga taong nakakatulog ng mahaba ngayong araw na 'to. Nakakainggit.

"MISHAAAA!"

Alam ko naman na hindi na ako makakabalik ng tulog dahil naririnig ko na ang sigaw ng nanay ko sa baba. Napilitan na tuloy ako bumangon.

Buti pa sila Xavier, wala daw class ngayon.

Agad na inayos ko ang kama na pinag higaan ko at bago ako lumabas ng kwarto, sumilip muna ako sa bintana.

Medyo na-weirdohan na ako dahil hanggang ngayon nasa gilid pa din ng gate namin 'yong lalaki na nakita ko kahapon at hanggang ngayon ay nakayuko ito.

Maayos naman kasi ang suot niya at hindi siya mukhang homeless or pulubi. Naka tshirt at jeans na malinis naman siya.

So weird.

Bumaba na ako at sabay sabay na kami kumain ng breakfast nila mama at papa pati na rin si kuya.

Imbes na computer ang kaharap ni kuya, android phone naman ngayon. Bilib din ako sa mga taong matagal nakatitig sa mga LED screen tapos hindi lumalabo ang mga mata.

Habang kumakain kami, naisip ko bigla 'yong lalaki sa tapat ng bahay.

"Akala ko ba wala na dyan 'yong lalaki sa labas, 'nay? Eh buong gabi yata siya nakaupo dyan eh."

"Nandyan pa din ba?" tanong ni nanay.

Walang pakialam si kuya sa pinag-uusapan namin dahil sa kapipindot ng screen ng phone niya at si tatay naman ay busy sa pagbabasa ng dyaryo.

"Kagabi pa siya nakatambay dyan eh. Hanggang ngayon nandyan pa din. Kawawa naman, baka walang matuluyan."

"Pupuntahan ko maya maya para matanong ko na din."

Pagkatapos ko kumain ng breakfast, naligo na ako at nag ayos papasok ng school. Inabutan ako ng 100 peso bill ni nanay bago lumabas.

"Misha, wala na 'yong sinasabi mong lalaki dyan sa labas kaya hindi ko na natanong."

"Ah, ganon ba? Sige, 'nay, papasok na ko."

"Ingat ka."

Nauuna ako umalis kaysa kay tatay. Mas maaga kasi ang schedule ng class ko kaysa sa schedule ng trabaho niya at ang unfair pa dahil ako ang nauuna umalis tapos ako ang nahuhuli umuwi.

Sobrang unfair, diba?

Si kuya naman, graduating college student na din at pang afternoon lang palagi ang class niya dahil sabi niya kaunti na lang naman daw ang credits na kailangan niya para maka graduate.

Paglabas ko ng gate, medyo natakot na ako nang makita na nandito pa din pala 'yong lalaki. Akala ko ba sabi ni nanay umalis na daw?

Pagsara ko ng gate, hindi pa din siya natinag kahit medyo padabog na ang pagsara ko dito. Nanatili pa din siyang nakayuko.

'Di ko na matiis, gusto ko na siya tanungin dahil kung hindi, baka tumawag na ako ng barangay tanod para i-report ang lalaking ito na magdamag nakabantay sa tapat ng bahay namin.

"Kuya? Okay lang po ba kayo?"

Doon lang niya inangat ang ulo niya at muntik na kumawala ang eyeball ko sa eye socket nang makita ko kung gaano pala ka-gwapo ang lalaking ito.

Shit. Bumilis bigla 'yong tibok ng puso ko dahil sa mga tingin niya.

Pero nawala din agad ang pagka mangha ko nang bumalik ang pagka weirdo niya. Luminga linga siya sa paligid at saka itinuro ang sarili.

"Ako ba ang kausap mo?"

"Opo, kuya. Wala naman ibang tao dito. Kagabi ka pa kasi nakatambay sa tapat ngー"

"Oh my God!" bulalas ng lalaki at napatayo pa mula sa pagkakasalampak sa sahig.

Napa-wow ako sa isip ko nang malaman ko na magkasing tangkad pala siya ni Xavier.

"You can see me?"

Napakunot ang noo ko sa tanong niya. At aba! Englisherong malinis manamit na homeless ba siya?

"Weird mo. Kung hindi ka pa aalis sa tapat ng bahay namin, ire-report na kita sa barangay kayaー"

Natigil na naman ako sa pagsasalita nang makita ko na humagulgol siya ng iyak at napaluhod sa sahig.

"Hoy, bakit ka naiyak? Sige na, hindi na kita ire-report sa barangay. Over acting ka, ha?"

"Please.. please help me.."

Again, nagsalubong ang mga kilay ko.

"Sorry, ha? Pero may klase kasi ako. Umuwi ka na sa inyo, kuya."

Nagmadali na ako maglakad papunta sa abangan ng bus pero naramdaman ko na sinusundan ako ng lalaki na weirdo.

Doon na ako kinabahan dahil iniisip ko ay baka rapist ito sa umaga or baliw na napagkamalan ako na kakilala.

Tumakbo ako ng sobrang tulin at lalo akong natakot nang makita kong tumatakbo din ito papunta sa akin.

"Jusko, bakit ang gwapo mong baliw?"

Sisigaw na sana ako para humingi ng tulong nang makita ko si mang Danny na nagbubukas ng tindahan nila.

Dito kasi ako palagi inuutusan ni nanay bumili ng mga suka, toyo, paminta, shampoo at kung ano ano pa kaya nakilala ko na din siya.

"Manong!" tumakbo ako papunta kay mang Danny.

"Oh, Misha. Ang aga aga, pawis na pawis ka na. Nagjo-jogging ka ba?"

"Manong, may nakasunod po kasi sakin naー AHHHHHH!"

Napasigaw ako nang makita 'yong lalaki na nakatayo na pala ngayon sa likod ko kaya napatago ako sa likod ni mang Danny.

"Ano ba 'yon? Bakit ka nasigaw?" nagpalinga linga sa paligid si mang Danny na parang may hinahanap.

"Manong, kanina pa po kasi siya nakasunod sa akin." tinuro ko ang lalaking nakatayo sa harapan namin.

Blangko ang expression sa mukha nito at hindi ko mabasa ang nasa isip nito kung may masama ba siyang balak sa akin.

Hindi naman ako kagandahan pero bakit ako 'yong napag tripan niya? Hindi naman yata ako ganon ka-sexy. Medyo lang.

"Ha? Nasaan?" tinitingnan ni mang Danny ang itinuturo ko pero nakakunot pa rin ang noo nito.

"Mang Danny naman! 'Wag ka nga manakot, ayan 'yong lalaki oh! Sa harapan natin mismo. Nakatingin sa atin!"

"Hoy, Misha, ha? Ako na 'yong natatakot sa'yo. Wala naman ako nakikitang lalaki sa harapan natin, ah!"

Kinilabutan ako bigla sa sinabi ni mang Danny at takot na takot akong tinitigan ang lalaki. Bakit hindi siya nakikita ni manong? Mas malinaw pa sa sikat ng araw na nakikita ko siya sa harapan namin.

Napalunok ako.

"Miss, ikaw lang ang nakakakita sa'kin."

"Manong!" inalog alog ko si mang Danny habang nakahawak sa suot nitong tshirt. "Narinig niyo 'yong nagsalita? Narinig niyo?"

"May sakit ka ba?" kinapa niya ang noo ko. "Wala ka naman sakit, eh! Bakit parang kinokombulsyon ka? Wala akong nakikitang lalaki, wala akong naririnig. Ano ba nangyayari sa'yong bata ka?"

Nilayasan na ako ni mang Danny at ipinagpatuloy na lang ang pagbubukas ng tindahan.

Hindi ako makagalaw bigla sa kinatatayuan ko at ang tanging nasabi ko na lang..

"Sino ka?"

••• To be continued ••

Fantasma: The Impossible Affection [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon