Prologue

48.2K 1.1K 459
                                    

Warning: The story contains sensitive issues such as depression, violence, and drug abuse. Expect some profanities/foul words in this story. Some of you will find it disturbing so I encourage everyone to prepare themselves emotionally before proceeding. If you believe that the reading will be traumatizing for you, then you may now leave to have a peaceful mind. Thank you.


P R O L O G U E

People at the corridor were staring at me as if I am a criminal. Wala naman akong kaso o kasalanan pero alam ko rin naman ang pinaghuhugutan nila ng galit sa akin. Their unreasonable sentiments that I failed to understand.

Sanay na ako sa ganitong trato mula sa ibang tao. Mula elementarya ay nararanasan ko na ito kaya hindi na rin bago sa akin.

"Zanteban!" malakas na sigaw ng isang lalaki. Wala sa sarili akong napalingon pero iba ang bumungad sa akin.

Someone threw a balloon at me and it's not just a simple balloon because it has a paint inside. Kapag pumutok iyon ay siguradong magkakalat ang mga pintura. The first balloon landed on my bare arm, it's a color blue paint.

I tried to use my book as a shield but it's not working at all. Marurumihan ang aking libro kaya ibinaba ko na lang ito sa lapag at braso na lang ang aking ginamit bilang pantakip. Natatamaan ang iba't ibang parte ng aking katawan at may kaunting kirot sa tuwing tatama sa akin ang lobo. Different colors were seen on my body, I could treat this one as a body art. A rare type of art rather.

Sometimes I am wondering how can people do this to their fellow human being. Is this for pleasure? Satisfaction? I don't find this satisfying at all. This is an act of violence and I can't believe that these students who's currently enjoying themselves on what they are doing were actually college students! For fuck's sake! This is so sick and unbelievable!

Napailing na lang ako nang matamaan ako ng lobo sa aking mukha. Nalasahan ko ang kulay itim na pintura kaya mahina akong napamura sa aking isipan.

Ang pait! Tangina!

As much as I wanted to fight for myself, I can't. Hindi pwede dahil alam kong may pagkakamali ako. Marami akong pagkamamali sa buhay pero ito yata ang may pinakamalakas na suntok.

Stains, that's the only thing that I have right now and there are lots of remedies at home to get rid of it. But the pain that I've inflicted to those people around me will never be forgotten.

Especially to him.

Nagsimula nang magbulungan ang mga nakakakita sa akin habang patuloy pa rin sila sa pagbato. Parang walang gustong tumulong, mukhang natutuwa pa nga sila.

Napayuko na lang ako.

Saktan man nila akong lahat ay hindi pa rin ako gaganti. I won't do anything not because I'm being a coward or something, let's just say that I can fully understand their mindset but never their sentiments.

May kung anong tumama sa aking noo at hindi iyon lobo na may lamang pintura. It's a fucking rock! They threw a rock at me and it hurts like a motherfucking son of a bitch but I tried to maintain my poker face.

Tangina, ang sakit talaga!

Malalim akong napabuntong-hininga habang tinitignan sila isa-isa.

"Tapos na ba kayo?" I asked nonchalantly.

"Aba, matapang pala 'to?" a stupid guy with his usual uniform asked.

Sinapo ko ang aking noo, dumudugo na ito pero hinayaan ko lang. Kinuha ko na lang ang panyo sa aking bulsa at marahan itong pinunasan. Napapikit pa ako sa aking pang ibabang labi dahil sa masakit na pakiramdam na nagmumula roon.

Hindi kita ang dugo dahil itim ang pinturang nasa aking mukha. Wala nga sigurong nakahalata na may sugat na pala ako.

"What's going on here?!" sigaw ng isang propesor kaya mabilis na nagtakbuhan ang mga estudyanteng nakikinuod kanina.

Inayos ko ang suot kong bag at kinuha ang librong inilagay ko sa lapag kanina. Nabahiran iyon ng kaunting pintura pero hindi naman ganoon kalala.

"Ikaw na naman, Ms. Zanteban?" masungit at kunot na noong sabi ni Mrs. Abueva.

I showed her my right thumb finger to tell that I'm fine. "Pasensya na po sa kalat, Ma'am..."

"Clean this mess before you go home!" mariin niyang sabi bago ako tinalikurab.

Wala akong nagawa kung hindi ang tumango habang tinitignan ang mga gumawa nito sa akin. Hindi man lang sila pinarusahan sa ginawa nila, kahit isang masakit na salita ay wala silang nakuha.

Ganito ba kasaklap ang reyalidad? Kung sinong may pera ay sila itong mas pinapaboran at kaming mahihirap ang laging iintindi? May kaya ang pamilya ko pero hindi ako kasama roon. Dukha pa rin akong maituturing.

Tumawa pa ang iilan sa kanila at kasabay nito ang pagdating ng lalaking pinakagusto kong iwasan sa lahat.

Malakas na kumabog ang aking dibdib habang nakatingin sa kaniya. Gusto umiyak ang puso ko sa pinaghalong saya at lungkot na may kasama pang takot dahil sa presensya niya.

I hate that he could be so perfect while giving me a deadly gaze. I bet, he's so happy to see me like this. Broken like a shattered jar that he used to treasured before. Kinamumuhian niya na ito ngayon.

"Serves you right," malamig at buo ang kaniyang boses nang banggitin ito.

Tumango lang ako at tinalikuran na siya.

Masakit pa rin pala sa tuwing makikita ko siya. Sana ay pumunta na lang siya sa ibang lugar para lumayo habang miserable ako rito pero hindi, e. He stayed because he wanted to see how miserable I am. His eagerness to make me suffer is leading inside his mind.

This is his way of unleashing his hatred towards me.

"Let's go, my cousins are waiting." rinig kong sabi niya pa.

Nang maramdaman kong wala na sila ay doon na bumigay ang aking mga tuhod kasabay nang pagbagsak ko sa sahig. Kusang tumulo ang aking mga luha, hindi ko na napigilan pa.

Tunog mula sa aking phone ang sandaling nakapagpahinto sa aking pag-iyak. Humihikbi man ay nagawa ko pa ring buksan ang mensaheng aking natanggap.

Unknown number:

Anak, anong oras ang uwi mo? Mag-ingat ka, okay? Take care. I love you.

Wala man itong pangalan ay alam na alam ko na kaagad kung kanino ito galing. Nag-igting ang aking panga at mas naluha lang dahil sa nabasa.

Take care and I love you my ass.

***

Ps. Maiksi kasi hindi talaga ako magaling sa mga panimula. Sorry.

Shattered Jar (Fiorello Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon