13

17.6K 503 99
                                    

13



"Air, pahinging papel." rinig kong bulong ni Barachiel sa akin.

Tipid akong umiling bago ko siya binigyan ng isang pirasong papel. We're going to write ten topics for our research paper and Barachiel is my partner because he doesn't want to be paired with anyone but me. Aniya'y mas kumportable raw siyang ako ang kasama kaysa sa iba. Sa akin naman ay ayos lang dahil sa kaniya lang naman ako rito dahil kahit kay Cygnus ay medyo ilang ako.

Nakita kong sinusulat na ni Barachiel ang pangalan naming dalawa sa papel at siya na rin ang nagsulat ng mga para sa topics na kahit isa ay wala akong naiambag. He is good when it comes to academics to the point that helping him is futile. It has no effect because he can do everything on his own.

"A-Anong maitutulong ko?" kumukurap-kurap kong tanong sabay tingin sa kaniya.

He pinched my cheek softly. "Nothing. Madali lang ang mga topics na inilagay ko at isa pa," luminga-linga muna siya sa paligid bago niya inilapit ang kaniyang mukha sa aking gilid. "Kuya will proof read our work so you do not have to worry about anything."

My lips turned into grimace. He's really unbelievable! Aabalahin pa namin si Zarachiel para sa aming research tapos hindi man lang ako tumulong? I don't want to be a burden.

"Gusto kong tumulong."

Ngumuso siya at umiling.

"Baki..."

He sighed heavily. "Oh, sige. Ikaw na lang ang mag-print? Naubusan kasi ako ng ink at hindi pa ako nakakabili ng bagong printer."

Kaagad na kumunot ang aking noo. Namali ba ako ng dinig o may kung ano talaga sa sinabi niya na nakakapagtaka?

"Ink ang naubos pero printer ang bibilhin mo?" I asked confusedly.

"Yeah. 6 months na rin ang printer na 'yon at mukhang paluma na kaya bibili ako ng bago!" masayang sabi niya sabay balik sa kaniyang ginagawa.

May mga araw talaga na ganito si Barachiel at napansin ko rin na mababaw lang din ang kaligayahan niya. He has a personality that is brighter than the sunlight but even more brighter than those stars under the moonlight. His gorgeous manly face but with an attitude of a six year old kid can turn you on in an instant. That's kind of effect that he possessed.

"I put smoking, look!" aniya sabay pakita ng 'smoking' na nakasulat sa papel.

"Why smoking?" tanong ko.

"It's a bad habit and I don't like people who's into it. Nakakabaho ng hininga iyon at nakakaitim ng labi," he pouted a bit while tapping his expensive ballpen on my table. "Hindi ako hahalik ng babaeng naninigarilyo. It's unpleasant!"

He has a point but I don't really care if someone's into smoking. People shouldn't judge other just because they smoke. There are plenty of reasons behind their bad habits. Pwedeng na-impluwensiyahan o kaya naman ay masalimuot na nakaraan. Mga memoryang walang katumbas ang sakit na hanggang ngayon ay hindi pa rin nila malimutan, kaya pinipilit nilang makalimot sa paraan na tanging alam nila.

I've been hanging around with him for two weeks now since that incident with Amanda. She's no longer coming to school due to the school officers' majority decision. Expulsion ang ipinataw sa kaniya kagaya nang ipinataw rin sa mga kaibigan niya. Kahit naman ako ay nalungkot sa nangyari lalo na noong huling kita namin sa kaniya ni Barachiel.

Shattered Jar (Fiorello Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon