17

15.3K 456 54
                                    

17


"Tulungan niyo po kami!" nagmamakaawang sabi ko.

I don't know if people could hear me screaming because they were all having fun inside the bar. Hindi na ako magugulat kung hindi nila malalaman o maririnig dahil maingay sa loob. I need to do something to help Amanda! This is not the right time for me to be a dawdler because it won't do anything! Amanda will suffer for more if I didn't do something.

Sunod-sunod na ang naging pag-iyak ko habang sinusubukan ko siyang buhatin para maiakbay ko ang kaniyang braso sa aking balikat. She's heavier than what I've expected but it's fine, the only that matters right now is her health.

"Hold on, Ada..." bulong ko sa kaniya bago ko sinubukang humakbang habang nasa balikat ko ang isang braso niya.

"Air!"

I immediately raised my head the moment I heard his voice. He was panting while looking at us but he didn't think twice to help me with Amanda. Kaagad niyang kinuha si Amanda mula sa akin at siya na mismo ang bumuhat dito. Nanginginig man ay nagawa ko pa rin siyang sundan habang patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

Sa kalagitnaan ng aming pagtakbo ay nakasalubong namin si Zarachiel na mukhang gulat din sa nangyari. He uttered some curses before running towards our direction.

"What happened?" Zarachiel asked.

"I don't know, Kuya. I just saw them awhile ago..." sagot naman ni Barachiel bago nila pinasok si Amanda sa isang sasakyan.

"Ako na ang bahala kay Amanda," Zarachiel said as his eyes landed on my crying and poor face. "Go with Barachiel, Air. I'll take care of your friend, alright?"

Paulit-ulit akong tumango pero ayaw huminto ng mga luha ko sa pagbagsak. Abot langit ang aking kaba at hindi ko na halos alam ang dapat kong isipin. Ano na lang ang mangyayari kay Amanda? Hindi nga ito alam ng kaniyang mga magulang, e!

"Stop crying..." malumanay niyang sabi bago binalingan si Barachiel na nasa aking gilid at abala sa paghagod sa aking likuran.

Walang sabing sumakay sa loob ng sasakyan si Zarachiel at kasabay nito ang paghila ni Barachiel para maisakay ako sa loob ng kaniyang sasakyan. This was the car that he used before when I saw him with a random girl. Did Zarachiel allowed him to use this one already or he used it without his brother's permission? I'm hoping that it's not the latter because Zarachiel might scold him again.

Tahimik lang akong nakaupo habang siya ay inaayos ang aking seatbelt. Nginitian niya pa ako bago niya binuhay ang makina para mabilis na paandarin ang sasakyan. I can't feel anything aside from getting worried and nervous at the same freaking time! I couldn't help it...

I bowed my head and there I saw my hands with some bloodstains on it. Tears staining my face as I clenched my fist firmly. I want to get mad at myself because I wasn't able to protect the only friend that I have.

"She's going to be fine, Air..." Barachiel said, trying to cheer me up.

Nakasunod lang kami sa sasakyan ni Zarachiel habang patuloy pa rin na tumutulo ang aking mga luha. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko ngayon, para akong masisiraan ng bait dahil sa pag-aalala.

Huminto sa tapat ng isang ospital ang sasakyan ni Zarachiel kaya mabilis din na huminto si Barachiel para lumabas sa kaniyang sasakyan. He was about to open the door for me but I already did it myself. His lips pouted a bit as he walked towards his brother's direction. Buhat na ni Zarachiel si Amanda at tumatakbo na siya papasok sa loob ng ospital kaya mabilis din akong tumakbo para makasunod sa kanila.

"Ano pong nangyari?" tanong ng isang nurse habang inihihiga ni Zarachiel si Amanda sa isang stretcher trolley.

"Stop asking us for now! Help our friend first!" iritadong ani Barachiel.

Shattered Jar (Fiorello Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon