23

16.8K 542 326
                                    

I didn't proof read. Marami po akong kailangan gawin kaya pasensya na po. Babawi na lang ako. Thank you!

23

Being a senior high school student is not that easy compare to junior high school. You may have background about some of its subjects but there are some instances where in you will feel like you need to start at rhe very beginning again. This is indeed a new environment for me.

Hindi ko naging classmate si Barachiel dahil magkaibang kurso ang plano naming kuhain sa kolehiyo. He wants to be an engineer just like his brother while I want to take mass communication for college. Mag-iilang buwan na nga rin simula nang maging Grade 11 ako habang pinagsasabay ko ang relasyon namin ni Barachiel na patago sa lahat.

Hindi naging madali para sa akin ang itago itong relasyon namin ni Barachiel dahil bantay sarado ako ngayon kahit sa school. Ang mga guro ay madalas na kinakausap ni Mama at kung minsan pa ay pati ni Mr. Asuncion ay nakikisama na rin. Mr. Asuncion is my biological father, I saw him last time in our house with my mother. They're talking about me and my behavioral.

Mukhang hindi talaga boto si Mama kay Barachiel na kinuntsaba niya pa ang ama ko tungkol do'n. Hindi rin naman ako boto sa totoong ama ko para sa kaniya dahil bukod sa pinabayaan niya kami, may mas nauna pa siyang pamilya kaysa sa amin. Hindi nga kami talaga pamilya kaya talagang imposibleng boto ako sa kaniya.

"Come here," ani Zarachiel kaya sumunod ako sa kaniya. He's helping me to be with Barachiel. Napansin ko kasi na kapag si Zarachiel ang kasama ko ay hindi nagagalit si Mama pero kapag si Barachiel na ay talagang nagwawala siya.

What's with Barachiel and Zarachiel? They're siblings so what's the difference?

"Naroon na ba si Baki?" tanong ko habang nakasunod sa kaniya.

"Yeah..."

Nakatingin lamang ako sa matipunong likuran ni Zarachiel, at kung ako ang tatanungin ay mahahalata na talagang gwapo siya kahit na nakatalikod pa. He has this aura that will make you feel nervous whenever he's around the area. Nagulat nga ako na handa siyang tulungan kami ni Barachiel para lang makapagkita at usap nang walang kapalit. We're doing this for months now!

Pumunta kami sa parking lot at kaagad na akong pumasok sa back seat kung nasaan si Barachiel. Si Zarachiel naman ay nasa driver's seat na ngayon ay habang sinusuot ang isang itim na earphones at naglagay pa ng takip sa kaniyang mga mata. Ganiyan ang parati niyang ginagawa, nakikinig ng music habang kami naman ni Barachiel ay nag-uusap sa likuran.

"Baki..." pabulong kong sabi nang maramdaman ko ang pagpulupot ng kaniyang mga braso sa aking baywang.

Ilang beses niya akong hinalikan sa pisngi bago mas hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

"Namiss kita..." bulong niya rin. "I want to be with you the whole time but I don't want your mother to scold you again."

Humarap ako sa kaniya at doon ko nakita ang kaniyang labi na nakanguso. Mapungay ang kaniyang mga mata ngayon na para bang pagod siya o inaantok.

"Namiss din kita nang sobra,"

Matapos kong sabihin 'yon ay muli niya akong niyakap at pinatakan ng ilang mga halik sa iba't ibang parte ng aking mukha. Ito ang isa sa mga gusto ko kay Barachiel, e. Malambing talaga siya at talagang mararamdaman mo 'yon.

"Make it quick, Barachiel. I still have my afternoon classes." biglang sabi ni Zarachiel kaya naman huminto si Barachiel sa paghalik sa aking pisngi.

"Yes, Kuya..." Barachiel said as he leaned closer to me so he could kiss me on my lips. I kissed him back the moment he moved his lips slowly.

Pikit na pikit ang aking mga mata habang nakikipaghalikan sa aking nobyo. Napadilat lamang ako nang marinig ko ang malakas na pagbagsak ng pinto mula sa unahan. Nakita kong lumabas ng kotse si Zarachiel kaya naman tumigil ako sa kakahalik kay Barachiel.

Shattered Jar (Fiorello Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon