33

18.8K 723 325
                                    

33



After that day where in Zarachiel revealed his tattoo, he never came back to our house anymore. Unlike Barachiel na parating nandito sa amin at kung minsan pa ay inaabala ako sa aking silid. If I know, he's not here for me. He's just using me as an excuse to get close to Sunti. I'm not stupid to notice his childish and obvious movements. Napakapapansin niya kay Sunti kahit pa wala siyang sinasabi.

I can't blame Barachiel if he fell for Sunti. I mean, Sunti was there during his downfall. She was his shoulder to cry on when I ruined his life. I don't know what happened between the two of them but I'm certain that Barachiel's really in love with Sunti.

Tipid akong napailing sa aking iniisip. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman sa bagay na 'yon pero wala rin naman akong magagawa.

"Papasok ka na bukas?" tanong ni Barachiel na ngayon ay pinapanuod akong magluto.

"Siguro? Pinapabalik na ba ako?" ani ko sabay patay ng kalan dahil tapos na ako sa aking nilulutong adobong baboy. Kumuha ako ng malaking mangkok para mailagay doon ang adobo at maihain na sa lalaking 'to.

Barachiel's holding a spoon on his right hand, waiting for me to give him some food so he could finally eat. Wala bang pagkain 'to sa kanila? Hindi naman mukhang naghihirap ang mga Fiorello, a?

"You can always go back, Phleuraia. You're my sister so they won't mind," he said as he used the spoon to get some pork as he put it directly on his mouth.

"Umayos ka nga, Baki!" paninita ko sabay kuha ng pinggan para mailapag sa harapan niya. "Bakit ka ba nandito? Mamaya pa ang uwi ni Sunti!"

Inayos ko ang upuan at papaupo na sana nang marining ko siyang tumikhim.

Kumunot ang kaniyang noo sa akin. "Ikaw ang pinunta ko rito at hindi si Sunlight."

Dahan-dahan akong umupo kasabay ng aking paglunok. Hindi ko nagawang makasagot dahil sa sinabi niyang iyon. Malalim akong huminga habang pinakikiramdaman ang bawat kabog ng aking dibdib.

Oh God! Why do I have to feel this kind of thing again? Come on, Air! You're over him! Kapatid mo 'yan! Tigil na!

"Huwag mo akong simulan, Barachiel." tipid kong sabi.

"Totoo namang nandito ako para sa'yo!" giit niya pa. "Isa pa, Kuya wants me to update him regarding the happenings in your life—"

Bigla siyang napahinto na para bang may mali siyang nasabi. Tinaasan ko lang siya ng kilay sa bigla niyang pag-iwas ng tingin sa akin.

What's with my life that he needs to update Zarachiel about it? There's nothing really important with my life so I don't see any reason for Zarachiel to be updated regarding the happenings in my life all the time. Maliban na lang kung may kailangan siyang malaman tungkol sa akin? Pero bakit si Baki ang inuutusan niya imbis na siya mismo ang gumawa?

"Tigilan niyo nga akong magkapatid! Ano bang trip niyo sa buhay?" inis kong untag sabay lapag ng aking mga kubyertos sa mesa.

Nabigla yata si Barachiel sa sinabi ko kaya napatingin siya sa akin, kumukurap-kurap pa ang mga mata.

"Naguguluhan na ako, Baki! Bigla kayong sumulpot tapos biglang hindi nagparamdam si Zarachiel tapos ikaa halos dito na tumira sa bahay namin. Ano bang gusto niyong malaman? Sasabihin ko na para matapos na 'tonf lahat!" dagdag ko pa.

Barachiel bit his perfectly shaped pinkish lips as he took a deep sighed. His dark yet tantalizing pair of eyes are keep on looking around, trying to avoid my gaze.

"C-Calm down, Phleuraia..." kalmado niyang sabi ngunit hindi nakawala sa akin ang kaniyang panginginig. "Let's e-eat first?"

"No! Tell me what's going on right now! Nasaan ba 'yang si Zarachiel at siya na lang ang kakausapin ko kung ayaw mong sabihin sa akin—"

Shattered Jar (Fiorello Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon