10

19.6K 540 174
                                    

Hi! Happy 100 members sa ating lahat (Asteraoth's corner)! Thank you so much po. If you want to join my facebook group, nasa profile ko po ang link. Thank you!

Ps. I didn't proof read.

10


Mabigat ang pakiramdam ko nang ako'y magising. I couldn't forget what I saw last night especially my mom's face. I was crying the whole night to the point that I fell asleep with a heavy heart. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang sakit at bigat sa aking dibdib. Mukhang matagal-tagal bago ako masasanay sa ganitong gawain ni Mama.

Masasanay nga ba ako o ako ang babali sa gawain niyang ito?

Nakatulala pa ako nang biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto. Nakangiti si Mama at binalot kaagad ng kaniyang pabango ang aking ilong. She smells so nice today but it's too early in the morning. Where is she going at this hour?

"I have to meet someone today..." marahang panimula niya kaya nakatingin lang ako sa kaniya.

Pinasadahan ko ang suot niyang maong pants at itim na t-shirt. Ang mga kolorete sa kaniyang mukha ay maayos at pulido ang pagkakagawa na para bang pinagtuunan niya iyon ng pansin. Ang itim na itim niyang buhok ay nakalagay lang sa gilid ng kaniyang isang balikat, mas nadepina tuloy ang kagandahan na meron siya.

She looks like my older sister than a mother. Her curves were on their right places and she has this angelic face that she can use to fool other people around her. No wonder why everyone's falling for my mother because she's like a goddess. She's even prettier than me.

"Sino po?" bigla kong tanong.

"Just a f-friend..." aniya bago tuluyang pumasok sa aking silid. "Pwede bang ikaw na lang ang mag-grocery? Naubusan na kasi tayo ng stocks, e."

May inilapag siyang pera at listahan sa maliit na mesa na nasa gilid ng aking kama. Iyon siguro ang mga dapat kong bilhin ngayong araw.

Tipid lang akong tumango. Wala rin naman akong gagawin ngayong araw kaya maganda na rin siguro na umalis ako rito sa amin. Malapit lang naman dito ang mall na pagbibilhan ko at magkakaroon pa ako ng oras para mamasyal.

Nang makaalis si Mama ay naligo na ako at nagbihis lang ng isang white shirt dress at ipinares ko rito ang aking itim na flat shoes. Isang maliit na bag na kulay itim naman ang dinala ko para mag lagayan ako ng aking phone at wallet. Hindi na ako nag-abala pang mag-ayos ng aking mukha dahil wala naman nang magbabago pa. Wala rin naman akong alam sa ganoon.

I went outside our village to look for a jeep. Sa Glorietta na lang siguro ako pupunta tutal malapit-lapit lang naman iyon dito at mas malaki kaysa sa iba. Sa Rustan's Supermarket muna ako dadaan bago sa Glorietta, balak ko sanang bilhan ng pabango o damit si Mama, pang peaxe offering.

Pinasadahan ko ang aking damit bago ko tinakpak ang aking bibig dahil nahihikab ako. It's just 10am in the morning and I'm still sleepy. I should make this quick so I could sleep the whole day.

Isang beses pa akong humikab hanggang sa may itim na sasakyan ang tumigil sa harapan ko. Kumukurap-kurap pa ako habang pinagmamasdan ang sasakyan. Tumingin pa ako sa aking likuran para tignan kung may iba bang tao roon na inaabangan nito pero wala naman.

I took a deep breath while staring at the car. I don't know what type of car is this but it looks expensive. Sa kulay at istilo pa lang ay halatang mamahalin na, paano pa kaya sa loob?

Biglang bumaba ang bintana ng sasakyan at bumungad sa akin ang mukha ni Barachiel na nakangisi pa. He removed his sunglasses as his tongue run through his lips. He's wearing a black polo with short sleeves, nakabukas pa ang tatlong unang butones nito.

Shattered Jar (Fiorello Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon