25

17.8K 594 204
                                    

No proof read. Sorry sa mabagal na update.

25



"What happened?" Poison asked as he tapped my shoulder using his big yet soft hand.

"Wala..." tipid akong ngumiti bago sumakay sa kaniyang sasakyan.

"Bakit nagkakagulo? What happened inside, Air?" he asked again.

I massaged my temples irritatingly as I sighed heavily. "Wala nga, PAR. Let's just go somewhere else..."

"Fine, lady." aniya bago pinaandar ang kaniyang sasakyan.

I wonder if he'll hate me if he found out that I hurt his beloved ex-girlfriend? Masyado kong nasaktan ang isang 'yon pati na rin 'yong  kasama niya. Talagang napuno lang ako at hindi ko na na-control pa ang sarili ko. To hell with that? I just defended myself because they're being too much!

"Air..." rinig kong tawag ni Poison.

"Just drive. Matutulog muna ako."

Matapos kong sabihin ang mga salitang binitawan ko kanina kay Barachiel ay tumakbo na ako papaalis. I need to get away as soon as possible because I'm pretty sure that they will hunt me down. I can't say that I did the right thing but it feels so fucking right to get back at them.

Mariin akong napapikit at tahimik na sumandal sa upuan. Malaki na nga ang kasalanan ko noon kay Barachiel tapos mas lumalaki pa dahil sa ginawa ko. Matagal naman niya na akong kinamumuhian at mag-iilang taon na rin, talagang sinulit ko lang kanina.

Ang mga nangyari noon sa amin ay mukhang dadalhin ko hanggang sa aking hukay. I have no time to think about the past, about us. Barachiel loathed me because he cannot accept the fact that I am his sister. I tried to reach out to him by asking Zarachiel to help me. Ang kaso lang ay ayaw na talaga ni Barachiel na makausap pa ako. Magmula no'n ay nagbago na ang buhay ko, mula sa bahay hanggang sa paaralan. Lahat parang nasisiyahan kapag sinasaktan ako at hindi ko alam kung bakit.

"Break na raw si Zanteban at Barachiel?" rinig kong sabi ng isang babae nang isang beses akong pumunta sa canteen para hanapin si Barachiel.

I need to find him! Kailangan kong magpaliwanag sa kaniya! Maybe, he'll understand why I did it to him. I'm just scared! Naduwag lang ako kasi ayokong mawala siya sa akin!

Aalis na sana ako sa canteen dahil wala naman doon si Barachiel nang may biglang tumama sa aking ulo. Ramdam ko ang lagkit nito at unti-unting kumalat iyon sa aking uniporme. It's a spaghetti and I don't know who did it. Why would they throw something like this? Nagsasayang sila ng pagkain!

Luminga-linga ako sa paligid para tignan kung sino ang bumato. Kumunot ang noo ko sa isang grupo ng mga kababaihan na nagtatawanan. Hindi ko na kaagad kailangan pang tanungin sa kanila kung sino ang may gawa dahil halatang isa sa kanila ang gumawa.

Tinanggal ko ang ilang mga pasta na napunta sa aking buhok at uniporme bago ko nilisan ang lugar. Puro tawanan ang bumungad sa akin sa labas at may mga naririnig pa akong kung ano mula sa kanila.

Si Barachiel ang dapat kong intindihin ngayon. I have no time to deal with these people because they're not that important for me to spend my time with.

Hindi pa man din ako nakakalayo sa may humarang na kaagad sa akin. Isang babaeng pamilyar lang ang mukha ngunit hindi ko naman kilala.

"Saan ka pupunta?" she asked while looking at me from head to toe.

"Bakit?" matapang kong tanong.

"Lumalaban ka na pala pabalik, huh?" mapanuyang aniya bago sumenyas ng kung ano mula sa aking likuran.

Shattered Jar (Fiorello Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon