20

18.2K 500 99
                                    

I just want to inform everyone that I am a working college student, 'yan din ang dahilan kung bakit natatagalan ako sa mga update ngayon. Sorry and thank you for understanding. God bless!


20



Christmas and New Year's eve have passed and my mom is still missing. I haven't seen her for months now but it seems like she doesn't give a damn about what would I feel. Ang mga araw ay naging linggo hanggang sa naging buwan na wala talaga siyang paramdam sa akin maliban sa mga perang binibigay niya. I should be fine with the money because I need it to survive without her presence and guidance beside me, but I'm still a minor who has no one to lean on aside from myself. Yes, I may have my boyfriend, Barachiel, with me but it's a different story to tell! Iba ang relasyon namin sa relasyon na meron ako kay Mama.

Walang papantay kay Mama.

Today is a third week of January and I can't help but to overthink everything. Mahirap pala talaga kapag sinasarili mo ang lahat pero hindi mo rin naman maiwasan. Ako kasi 'yong tao na takot magsabi sa iba dahil baka maabala ko sila o baka naman makadagdag pa ako sa mga dapat nilang isipin kaya hindi ko na lang sasabihin. In othet words, I don't want to be a burden. I should keep all the burdens inside me and not with someone that is very dear to me. Walang ideya si Barachiel sa mga pinagdadaanan ko at hangga't maaari sana ay hindi niya malaman dahil ayokong pati siya ay maapektuhan.

"Phleuraia..." Barachiel sniffed my hair as he caressed my cheeks gently. "I love you,"

This is what I like about Barachiel, he's very vocal and true to his words. Kung sasabihin niyang mahal niya ako ay ipapakita niya talagang mahal niya ako. I'm actually doubting myself if I am deserving enough for him. I mean, he's so precious and I don't think he deserves to get hurt.

Tipid ko siyang nginitian at nilibot ko pa ang aking paningin. Nang masiguro kong walang nakatingin ay ginawaran ko siya ng isang mabilis na halik sa pisngi. Pigil na pigil ang ngiti ni Barachiel habang nakatingin sa akin, namumula ang mga pisngi.

"Kinikilig ka na naman." ani ko sabay ngisi sa kaniya.

I saw how he rolled his eyes irritatingly. He placed his hand on the top of my thigh the reason why I had to raise my brow while looking at him.

"What?" tanong niya, kumukurap-kurap pa.

"'Yong kamay mo..." sabi ko sabay nguso sa kamay niyang nasa hita ko.

"I want it here." aniya sabay pisil sa hita ko kaya naman gumalaw ako sa aking kinauupuan na naglikha ng ingay. Napalingon sa amin ang aming professor kaya mahina akong humingi ng paumanhin.

Pinandilatan ko ng mata si Barachiel bago ko tinapik ang kaniyang kamay na nasa hita ko. Mahina at paos siyang tumawa bago ako kinindatan. Siraulo talaga ang isang 'to, hindi ako natutuwa na hindi ko alam.

Natapos ang buong klase namin na kinukulit ako ni Barachiel. Ilang linggo na lang ay malapit na kaming maging senior high student at hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Gusto ko sanang kausapin si Zarachiel tungkol sa pagiging senior high niya pero baka busy siya.

"Hatid na kita," ani Barachiel sabay akbay sa akin. Hinayaan ko lang siya na gawin iyon hanggang sa makarating kami sa labas ng gate.

I could still remember the night where I cried under the millions of star in front of my boyfriend's brother. That was the last time that I shed a tear over anyone with the same reasons. Nakakapagod din pala kasi na umiyak dahil sa paulit-ulit na dahilan na mukhang wala nang katapusan. I should just treasure everything that I currently have and think about my future because it's all that matters. Kung talagang gusto akong makausap o makita man lang ni Mama ay gagawa siya ng paraan pero hindi niya ginawa. Baka mas lalo lang siyang lumayo kapag pinilit ko pa.

Shattered Jar (Fiorello Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon