27

17.3K 528 104
                                    

27

"Nasaan po rito si Perlina Zanteban? Ako po ang anak niya." sabi ko sa unang pulis na nakita ko nang marating namin ang presinto kung nasaan si Mama.

I felt Barachiel's hand on my shoulder. He's trying to make me calm using his gentle touch but that would he impossible. How am I gonna do that right now? Nakakulong ang nanay ko at nahulihan pa ng droga. Hindi simpleng kaso iyon! Kung kailangan man siyang ipa-drug test ay ayos lang din naman pero kinakabahan pa rin ako. She used to be a drug user before and I don't know she's doing it again. Sana lang talaga ay hindi na siya gumagamit para medyo mabawasan ang kaniyang kasalanan.

Tinignan ako ng pulis mula ulo hanggang paa. Kumunot pa ang noo nito sa akin pero kaagad din na nag-iba ang kaniyang paraan nang pagtingin nang balingan niya sina Zarachiel na nasa aking tabi. He's obviously judging me base on my appearance inside his head! Damn, I am not a drug user nor pusher! I won't deny the fact that I've tried drugging myself before but that was a long time ago. The recent one would be weeks ago? Hindi ko naman ginusto iyon dahil si Yno ang may pakana!

"Anak daw ni Perlina Zanteban!" aniya sabay angat ng kaniyang kamay, tinatawag ang ibang kaniyang kasamahan.

Nilapitan kami ng isang pulis at iginiya niya kami papalapit sa isang selda. It was full of different women and they were all staring at us. I saw my mother at the corner of the four walls in front of me. Nakaupo lang siya roon at nakatingin sa kawalan ang lubog niyang mga mata na tila ba pagod na pagod. I don't know what really happened to her but I'm not liking her situation. I do have grudges for her but she's still my mother, hindi ko pa rin gustong mapahamak siya.

"Mama!" tawag ko sa kaniya. Mabagal ang ginwa niyang paglingon at kaagad siyang lumuha nang makita ako. Gusto ko rin maiyak ngayon pero mas kailangan kong maging matatag.

Nakita ko ang kaniyang pagtayo at mabilis niya kaming nilapitan. Sunod-sunod na ang naging pagtulo ng kaniyang mga luha kaya talagang mas nanghina ako.

"Air! Ilabas mo na ako rito!" aniya at inabot pa ang mga kamay ko. "Parang awa mo na! Wala akong kasalanan, anak! Maniwala ka sa'kin!"

"I-Ilalabas kita rito, Ma..." nilingon ko ang mga pulis na  nakabantay sa amin. "Sino pong nagpakulong sa mama ko?"

"Si Cecille! Siya ang nagdala sa akin dito!" ani Mama kaya muli akong napatingin sa kaniya. Mas umiiyak na siya ngayon habang ako ay nanggigil sa inis.

She really hates my mom, huh? That's unfair! She should do something about Mr. Boston Fiorello too because he's also involved! Si Mama ay naging karelasyon ng kaniyang asawa pero hindi naman tama na si Mama lang ang pagbayarin niya sa mga kasalanang iyon! Si Mr. Boston Fiorello ang lagi at madalas na lumalapit sa nanay ko kaya dapat lang na pati siya'y pinagbabayad!

"Ma, nahulihan ka raw po ng d-droga..." I gulped a bit. "Totoo ba 'yon?"

"Hindi! Si Cecille ang may pakana! Si Cecille!" paulit-ulit siyang umiling at patuloy na umiyak.

Tumango lang ako sa kaniya bago ko hinarap sila Zarachiel. They looked guilty and I don't know why. They're not responsible for this one, it's their mother's responsibility.

"I'll call mom and dad." ani Zarachiel bago kami tinalikuran ni Barachiel. Hindi ko alam ang dapat kong gawin at sabihin dahil totoong nahihirapan ako sa sitwasyon na meron si Mama ngayon. Hindi ko alam kung paano ko siya matutulungan, kung paano ko mapapatunayan na wala siyang kasalanan. Hindi ko na alam.

Habang tinitignan ko si Mama ay kusang tumulo ang mga luha ko. Parang masyado akong nasasaktan sa itsura niya ngayon. Ilang beses ko nang sinubukan tiisin si Mama pero sa huli ay ako pa rin ang talo. Sa tuwing masasaktan ko siya ay doble ang balik sa akin. I hate her but I don't wanna hurt her. I hate that I need to suffer because of her but I know that I shouldn't blame her for it. I am here because of her and I'm secretly wishing that she should have killed me instead. Ang hirap na kasing magtiis. Hirap na hirap na ako.

Shattered Jar (Fiorello Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon