11

16.9K 450 93
                                    

11

They sent me to their office inside this store. Amanda and her friends came with us to interrogate me. Aakusahan lang naman nila ako sa kasalanan na hindi ko naman talaga ginawa. They won't believe me because Amanda's intention is to humiliate me, so she will do everything just make it happen.

"Gosh! Kapkapan niyo pa siya at baka may iba pang ninakaw!" utos pa ni Amanda sa mga guwardiya na nakabantay sa akin.

"Wala naman akong ninakaw." diretso kong sabi habang nakatingin sa kaniya. Nginisian niya lang ako at inirapan na para bang sigurado siyang magtatagumpay ang balak niya.

"Nako, kung wala ka naman palang pambayad ay dapat hindi ka na pumunta rito! Nanakawan mo pa kami!" sabi naman ng isang saleslady na ngayon ay katabi ng kanilang head manager.

Bahagya akong napayuko at nanahimik na lamang. Hinding-hindi talaga nila ako paniniwalaan kahit pa anong gawin ko. May mga tao kasi talagang bulag sa katotohanan at hindi man lang nagawang alamin ang dalawang panig na meron. Sa huli ay mas paniniwalaan lang nila ang naunang panig dahil lang sa maraming kasapi ang naroon.

That's just so sad and unfair.

"Yes po, I saw her kanina habang sinisilid niya 'yong damit sa paper bag niya!" sabi ng kaibigan ni Amanda. Siya ang babaeng bumangga sa akin kanina kaya tingin ko ay siya rin ang naglagay ng damit sa paper bag ko.

This is obviously part of their plans! They framed me up! Hindi ko na talaga alam kung anong iisipin ko ngayon lalo na't puro ganito ang mga nangyayari. Wala na ba talaga silang balak tigilan ako? I'm not doing anything wrong! I just wanted to have a normal life just like anyone of them. Is it really too much to ask for it?

Marami pa silang sinabing kasinungalingan sa mga nang-uusisa. They didn't even bother asking for my side! I have every rights to defend myself too! Saan lulugar ang mga karapatan na meron ako kung gano'n?

"Dalhin na 'to sa presinto–"

"Presinto? Hindi niyo man lang ba titignan ang kuha ng CCTV niyo rito? Wala akong ninakaw!" matapang kong sabi kasabay nang pag yukom ng aking mga kamao.

"Girl, there's no need for that. We're classmates kaya alam namin na may klepto side ka." ani Amanda at tumawa pa.

The heck is she saying? When did I became a kleptomaniac? I never stole anything in my entire life! At kung may balak akong maging magnanakaw, sisiguraduhin kong doon sa lugar na hindi ako mahuhuli! This is so insane!

"I don't deserve this kind of false accusations!Malinis ang imahe ko sa aming paaralan at wala akong ninakaw na kahit ano. Tignan niyo ang mga kuha sa CCTV para magkaalaman na tayo rito. If there's a clip where I really did put that shirt on my paper bag, feel free to do anything to me. Pero kung mapatunayan na wala naman akong kasalanan ay magsasampa ako ng kaso laban sa inyong lahat!" tuloy-tuloy kong sabi na halos hingalin pa ako dahil sa iritasyon.

It's not the right time for me to shut my mouth because I need to speak up for myself! Hindi nila ako tatantanan kung hindi ako magsasalita at baka kung saan pa nila ako dalhin. I'm doing this for myself.

"What's the use of checking the CCTV footage if we're here already? Kami ang w-witness at nakita namin ang lahat!" sabat naman ni Amanda na para bang kinakabahan. 

I smirked mockingly. "Natatakot ka ba? Hindi ba dapat ay pabor ka ro'n para mas tumibay 'yang paratang mo na kayo lang naman ang may alam?"

She didn't say anything but I saw how she tightened her jaw irritatingly. I just talked back and she hates it. May ugali kasi si Amanda na ayaw niyang nauungusan nang ibang tao dahil mas gusto niyang siya lagi ang nangunguna. I don't know why she's so eager to be on top when in fact that she can't even do things properly. Average student lang din naman siya at pumapasa lang dahil sa mapera ang pamilya, bukod pa roon ay hindi rin naman sila malapit ni Barachiel para isipin niyang nilalandi at inaagaw ko 'to mula sa kaniya. She's being irrational.

Shattered Jar (Fiorello Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon