36

18.9K 731 271
                                    

Regarding the previous update, origin po talaga ng Zarachiel ay Zerachiel. Hindi po iyon typo o ano. Hehe. Salamat sa mga nakakatuwang reactions! I love you all.

Ps. No proof read ulit.

36


"Umuwi na lang kaya ako?" suhestiyon ko habang pinapanuod magmaneho si Zarachiel.

Kinakabahan talaga ako sa idea na pupunta ako sa kanila. Parang hindi pa rin ako handa o ano. Ang sarap lang takasan nitong si Zarachiel ngayon pero alam kong hindi niya magugustuhan kung gano'n man ang gagawin ko.

"My entire family is there. Ang mga pinsan ko, sila Tita," aniya sabay ngisi.

Sandali niya akong sinulyapan bago niya marahang kinurot ang aking pisngi. His other hand went to my hand that is resting on my lap as he lifted it right in front of his lips before putting some light kisses at the back of my wet palm.

"Zarachiel!" pagtawag ko sa kaniya. "Let go of my hand! Baka mabangga tayo niyan, e!"

Kumunot ang kaniyang noo bago tinigilan ang paghalik sa kamay ko pero ibinaba niya lang iyon sa aming pagitan habang hawak-hawak pa rin niya. He just don't know how to listen to me. I didn't know that Zarachiel is clingy!

"Bakit ko ibabangga kung kasama kita?" diretso niyang sabi.

"Ang korni mo na masyado, Z. Mas malala ka pa sa kapatid mo," natatawa kong sabi sa kaniya. Humalakhak lang siya at pinisil-pisil ang kamay kong hawak niya.

I've never been this happy before! Sa isang maliit na detalye lang tungkol sa ginagawa ni Zarachiel sa akin ay milyon-milyon na ang katumbas na nararamdaman ko. His little gestures can move mountains and even the tiniest thing that he could ever give to me can bring pure happiness to my life.

This is what contentment feels like. It feels light but it means so much.

Nang nasa tapat na kami ng kanilang bahay ay doon na bumalik ang nerbyos na kanina ay sandaling nawala. Napalunok ako bago ko muling sinulyapan si Zarachiel na halatang nagtataka sa ikinikilos ko.

"Nervous?" he asked.

Tumango ako. "Ang tagal na simula nang huli ko silang nakita..."

That was years ago! I met his cousins and they were all nice to me, kahit pa ang mga tito at tita niya ay naging mabait din naman sa akin noon. But things will never be the same again after what happened before. Hindi na matatanggal ang lamat na sanhi ng kahapon.

"That would be fine, Airis." sinubukan ni Zarachiel na pagaanin ang loob ko pero talagang kinakabahan ako. Hindi ko nga alam kung bakit ako sumama! I have all the time to say no earlier but I chose to be with him because he managed to took all of my senses when he kissed my hand!

Napakarupok mo, self! Marupok ka!

"Z, you don't get it." I sighed as I stared at him. Bakas na bakas ang pag-aalala sa aking mukha ngayon.

"They met me as Barachiel's girlfriend! Alam ko rin na aware silang ako 'yong anak ng kabit nang tatay mo. Ano na lang ang sasabihin nila kapag pinakilala mo ako?" dagdag ko pa.

He held my hand tightly. "Past is past. The hell I care if they knew you as Barachiel's girl or what? I'll introduce you as my future wife then,"

"Zarachiel naman, napakasiraulo mo!" untag ko sabay nguso. Tumawa lang siya bago niya ako hinila papalapit sa kaniya. Mahigpit niya akong niyakap habang humahalakhak pa rin.

Siraulo talaga!

"Your worried face is so damn cute, baby." he whispered. "Damn, you're my baby girl."

Shattered Jar (Fiorello Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon