09

18.4K 518 78
                                    

09

"Air, hatid na kita..." ani Barachiel at mukhang iniisip niya pa kung hahawakan niya ba ako o hindi.

Nanatili akong nakaupo sa aking puwesto habang ang dalawa kong kamay ay nakapatong sa aking mga hita. I just can't move properly yet and my whole body including my head were all aching so bad. I want to make it stop but that's impossible for now. Gusto ko na lang sanang umuwi dahil nakakapagod ang araw na 'to, mabuti na lang at wala kaming pasok bukas.

"Air..." he softened his tone as he put his hand on my cold and trembling hands. "I'll drive you home–"

"You're just 16, Baki! Anong drive pinagsasabi mo riyan?" biglang sabat ni Zarachiel na ngayon ay nakalapit na rin sa amin.

"Epal ka talaga! I'm turning 17 next, next month!" he said, whining.

He's a few months older than me, huh? Sa susunod na taon pa ang kaarawan ko habang siya ay sa susunod na buwan na, December. My birthmontth is February; February 14 to be exact. Yeah, heart's day...

"So what? You're still a minor,"

Barachiel pouted his lips and he rolled his eyes irritatingly. Bumubulong-bulong pa siya at kapag titignan siya ni Zarachiel ay iirapan niya lang ulit ito.

"She can take a cab naman..." ani Amanda kaya yumuko na lang ako.

Naiintindihan ko naman ang gusto ni Amanda, ayaw niyang makasama ko sina Barachiel dahil nagseselos siya. Ang hindi ko maintindihan ay bakit siya nagseselos kung gayong hindi naman sila at wala siyang karapatan. She's just a mere admirer just like the other girls who's drooling over these men.

"I won't let her take a cab, Amanda. I'll drive her home." sabi pa ni Barachiel at bigla akong inabutan ng isang puting t-shirt. "Magpalit ka muna, alam kong nilalamig ka na,"

Pumasok ako sa banyo at mabilis na nagpalit ng damit. Ang medyo basa kong damit ay piniga ko pa bago ko inayos sa pagkakatupi. I brushed my wet hair through the use of my fingers. I looked like a huge mess right now, gusto na tuloy talagang umuwi.

Malalim akong huminga nang makalabas ako sa banyo. Si Barachiel kaagad ang una kong nakita na nag-aabang doon na para bang kanina pa ako hinihintay.

"You're done?" he asked when he saw me walking towards his direction.

I simply nodded my head.

"Kuya, she's done already! Let me drive her home, please?" he begged like a little kid.

Bahagya akong napangiti dahil sa itsura niya. He really wants to drive but he's still underage so Zarachiel won't allow him to.

"Shut up, Baki! We'll drive her home. Stay there, kakausapin ko lang ang mga guards tungkol sa CCTV." ani Zarachiel bago kami tinalikuran ulit.

Wala sa sarili akong napatingin kay Amanda na para bang natatakot na ngayon. Of course, she's scared! They can be seen in the video so everyone will know about what they did to me. Ang bilis pala talaga ng karma.

"Amanda," marahang tawag ko sa kaniya.

Nag-aalangan pa niya akong tinignan pero mabilis din naman siyang ngumiti dahil kahit si Barachiel ay nakatingin sa kaniya. Gusto ko sanang matawa kaso huwag na lang pala.

"Thank you..." nakangiti kong sabi, a sarcastic one.

I won't hurt them physically but I can talk hurtful words to make them see and realize everything. Hindi naman ako santo na puro bait lang ang meron. Hindi lang talaga ako lumalaban dahil alam ko kung gaano iyon kasakit sa pakiramdam. Sabi nga nila, huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa'yo.

Shattered Jar (Fiorello Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon