32

19K 647 325
                                    

32



It's been three days since the last time I saw Barachiel and Zarachiel. Sunlight's being distant with me these past few days too. May kinalaman yata ang mga nangyayari sa huling pag-uusap namin bago ako magpahingan sa trabaho.

I am suspended from work. They decided to suspend me for two weeks because they found a record regarding the call that I hung up. Mukhang malakas din kasi ang kapit ni Jessica Ford sa kumpanyang 'yon kaya kahit isang markdown lang sa QA ay suspension kaagad ang ipinataw. Parang wala man lang ginawa sila Zarachiel tungkol sa nangyari. It's not that I want them to fight for me, I just think it's unfair for my part as an employee. But what can I do? Empleyado lang naman kasi talaga ako.

"Ate Air, papasok na po ako..." malumanay na ani Star kaya napatingin ako sa kaniya. Pinasadahan ko ng tingin ang kaniyang kabuohan mula ulo hanggang paa.

"Lumapit ka rito sandali," sabi ko saby senyas gamit ang aking kamay.

Nang makalapit siya ay doon ko inayos ang kuwelyo ng kaniyang puting uniporme. She's now a Grade 4 student, a very brilliant student. Maganda ang mga grado nitong si Star kaya naman nakakatuwang suportahan sa mga bagay na nais niya.

"Pasensya na kagabi kasi tinawag kitang tita..." aniya sabay iwas ng tingin. "I just can't help it..."

Tumango lang ko. "I understand. Do you miss your aunt? Do I really look like her?"

Tipid siyang ngumiti. "You're prettier than her but the way you treat me, it reminds me of how she took care of me before..."

"Pwede mo naman ako tawaging tita, Star—"

"Magagalit si ate Sunti kapag inulit ko pa iyon," aniya kaya hindi ko na ipinagpilitan pa. I'm sure Sunti will understand. I mean, she's her older sister so I think that's fine? I don't really know why she doesn't want Star to call me 'tita'. May galit ba siya sa tita nila na ayaw niyang ipaalala sa akin?

"May baon ka na ba?" tanong ko.

Simpleng tango at tipid na ngiti lang ang kaniyang itinugon. Matapos no'n ay pinakawalan ko na siya para makapasok sa eskwelahan.

"Take care, Star! Call me when you need something!" paalala ko pa nang makasakay siya ng tricycle.

Nang makapasok ako sa bahay ay pinagmasdan ko na lang ang mga litrato namin ni Sunti na naka-display. I remember hating her before because she's a threat to my relationship with Barachiel. Ang sabi ko pa noon ay ayaw kong makikita siya dahil hindi ko gusto ang gano'ng klase ng mga babae. But who am I fooling? She's like Amanda for me. Dating kinaiinisan ko na naging karamay ko rin sa huli.

Magiging kagaya rin kaya siya ni Amanda na iiwanan din ako sa huli? Right now, I'm not really hoping for people to stay in my life. Kapag pala madalas mong nararanasan ay masasanay ka na rin talaga.

Tahimik akong pumasok sa aking silid at 'tsaka umupo sa aking kama.

Sometimes I'm wondering why people leave us? What can I do to make them stay with me? Because base on my experience,  people will always leave no matter what. Intentionally or unintentionally, they will eventually leave us. If they have a reason to leave us, then there should also be a reason why they should stay with us. Bago kasi tayo gumawa ng isang hakbang ay pag-iisipan muna natin, titimbangin muna ang mga dahilan. Sa madaling salita, mas matimbang talaga para sa kanila 'yong mga dahilan para iwanan ako. Gano'n yata talaga 'yon.

Tahimik kong ipinikit ang aking mga mata na kaagad ko rin namang idinilat. Sa mga ganitong oras na mag-isa ako at tahimik, hindi ko maiwasang maisip si Mama. Araw-araw akong dinadalaw ng konsensya ko simula no'ng araw na 'yon. Medyo bumuti na ang lagay ko ngayon kung ikukumpara ko noon.

Shattered Jar (Fiorello Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon