02

28.1K 823 401
                                    

02

Tamad akong humikab habang pinapanuod ang mga lalaking naglalaro ng bilyar dito sa Metro Underground. Sa unang tingin ay parang inuman lang pero hindi dahil maraming ilegal na transaksyon ang nangyayari dito. May mga laro pero ilegal pa rin dahil may kasaling pustahan. I don't really play, I just bet. It's much safer if you're not the player because there are some cases where in people are dying due to winning a game. They can't just accept defeat by someone.

That's the power of greed so don't let greed for riches control you.

I've had enough shits at school earlier so I deserve this kind of spree, a gambling spree! Drinking spree! Smoking spree! Kahit na ano pa 'yan, magsasaya ako buong gabi bago ko harapin ang panibagong kalupitan kinabukasan.

I threw a glance at the glass window outside this room. That's the main bar, ang sayawan at inuman, nandoon lahat. Ang kinaroroonan ko ngayon ay isa lamang sa mga silid nila para sa mga ilegal na laro at transaksyon.

"Kanino ka pupusta ngayon?" tanong ni Yno.

Humithit muna ako sa sigarilyo ko bago ko kinuha ang aking pitaka. I handed him a three thousand pesos, maliit na pusta muna para hindi gaanong masakit sa bulsa kapag natalo.

"Kay PAR ako," natatawa kong sabi sabay nguso sa lalaking may malaking tattoo sa braso.

I've heard that he's really good in billiards but I should trust my own instincts. He looks like he's on drugs or something so betting a huge money is equivalent to more chances of losing. Mamaya ay hindi niya pa maipasok ang mga bola ng bilyar, sayang naman ang pera ko kung sakali.

Kumunot ang noo ni Yno at umiiling na nilista ang pangalan ko na para bang nagbayad lang ako ng utang.

"Magpapatalo yata ngayon si Poison, e." ani Yno sabay bumuntong-hininga. "Sigurado ka ba sa tatlong libo?"

Tumango lang ako bago ko inubos ang sigarilyo. Itinapon ko ito sa ashtray bago tinungga ang bote ng serbesa sa aking gilid. Nang maubos ko iyon ay lumapit na ako sa pwesto nila Yno kung saan gaganapin ang laro.

Mukha namang magaling pa rin maglaro si Posion kahit pa nakatira. Sa kaniya ako pumusta kaya ipagdadasal ko ang tagumpay niya.

Yno handed me a tiny cellophane plastic, hindi ko man tanungin ay alam ko na ang isang ito. Nginitian ko lang siya at inilingan.

I won't take any of it for tonight. I have a quiz for tomorrow morning so being high tonight will lead me to failure. I can't risk my pasang-awa grades this time. Pagbubutihin ko kahit na kaunti para naman tumaas-taas ang mga grado ko.

"This is a cocaine, Air. Tatanggihan mo talaga?" natatawa niyang tanong.

I nodded my head seriously.

Itinuon ko ang pansin ko kila Poison na nagsisimula nang maglaro. It's so obvious that he's not taking the game seriously! Wala man lang tumama sa unang tira niya kaya kaagad na nakatira ang kalaban.

Sumablay ang kalaban niya sa pangatlong tira nito kaya naman si Poison na ulit. Wala sa sarili siyang tumira pero hindi na naman pumasok. Tanginang 'yan! Alam na kaagad kung sinong mananalo!

"Tanginang Poison 'yan," inis kong sabi kay Yno. "Isa't kalahating timang ba 'yan? Sinasayang niya ang pusta namin!"

"Hindi naman niya sinabing pumusta kayo sa kaniya," natatawang sagot ni Yno.

I get a stick of cigarette from my pocket, mabilis ko itong sinindihan at padabog na ibinuga ang usok. I'm hoping for the smoke to calm me down. This would be my last stick for tonight, I have my limitations too. 5 sticks per day but today is an exemption because this is my nth stick. Hindi ko na halos nabilang kung ilan kaya naman bukas ko na lang ipapatupad ang limitasyon na nais ko.

Shattered Jar (Fiorello Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon