26

17.7K 555 252
                                    

26



"Air, lumabas ka na riyan para makakain ka na." rinig kong tawag ni Mama mula sa labas ng aking silid.

I covered myself with a blanket as I firmly shut my eyes. I don't want to talk to anyone right now. Hindi ko pa rin alam kung paano ko tatanggapin 'yong katotohanan na wala na pala si Amanda, na namatay pala siya noon pa. I can't help but to blame myself for what happened. She was there because of me and according to her mother, Ma'am Imelda, that those scumbags who hurt Amanda was actually her ex-friends. They hated her because she used to boss them around and that is so shallow! Sobrang babaw na nagawa nila iyon? They deserve to be in jail! Hindi ko alam kung anong ginawa nila para hindi makulong pero isusumpa ko na sana masunog ang mga kaluluwa nila sa impyerno!

I clenched my fist tightly because of my thoughts. Ang sarap-sarap gumanti pero alam kong hindi dapat. I shouldn't put the law on my hands but I will do something about it. If they failed to send them in jail, then I will.

Tamad kong inabot ang aking phone sa gilid ng study table ko. Nagtipa ako ng mensahe para sa taong alam kong matutulungan ako, 'yong kaya akong damayan sa kahit na anong oras ko kailanganin.

Ako:

Hey. Busy ka ba?

Wala pang ilang segundo nang ma-send ko iyon ay nakatanggap na kaagad ako ng tawag mula sa kaniya. I cleared my throat for a minute so I could speak comfortably.

"H-Hello..." I greeted. Paos ako at tila hirap pa rin na magsalita siguro dahil sa kakaiyak buong magdamag.

"Hey, Airis." he greeted back. I could hear his heavy breathing right after he said that. Bakit parang kabado na naman ang isang 'to?

"Busy ka nga?" tanong ko ulit kagaya no'ng nasa text na sinabi ko sa kaniya.

"Not really, but I have something to do with Venom tonight."

"Anong meron?" kuryoso kong tanong.

"We need to look for Devy," sabi niya sa isang pormal na tono. Narinig ko ang pagbagsak ng isang pinto na baka binuksan o isinarado niya.

"Devy who?"

"Babae ni Cygnus, Air." simpleng tugon niya.

Oh? May babae pala si Cygnus? Ang akala ko ay hindi uso ang pagsyosyota sa isang 'yon? He was always seen with his cousins and friends, that's the reason why people were starting to make stories about him. Baka raw bakla si Cygnus o kung ano pa man. I would definitely doubt that one. He doesn't look like he's gay in the first place, pero uso naman na ngayon iyon, e. 'Yong mga gwapo at masasarap, sila pa 'yong gwapo at masasarap din ang hanap. Parang ang sarap makisali sa pederasyon nila.

Well, I almost forgot that there is this girl who's always fetching him everyday. Magandang babae ang isang 'yon at kulay pula ang buhok. Baka iyon ang tinutukoy ni Zarachiel na Devy?

"So you're busy tonight, Z?" tanong ko ulit.

I will be needing his connection for Amanda's old case. I need justice and Zarachiel would be a big help for me. Itong si Zarachiel ang pinakamabait sa buong angkan nila na tanging nakakausap ko, dahil simula nang malaman nang iba na isa akong Fiorello at anak sa labas ay puro panghuhusga at kalupitan na ang natamo ko. Hindi ko naman ginustong maging Fiorello ako at kahit kailan ay hindi ko gugustuhin.

"I-I can make time for you..." mahina at halos pabulong niyang sabi.

Hindi ko alam kung bakit natawa ako sa sinagot niya. Sa tuwing kakausapin ako nito ay lagi na lang ganito. Parating kabado at hindi ko mawari kung ano.

Shattered Jar (Fiorello Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon