Chapter 2

394 25 0
                                    

Chapter 2

Biglang bumalik sa kanyang alala ang nangyari noon bago maging malamig sa kanya si Arthur...

Flashback.

Birthday ni Athur kaya nag-punta si Crystal sa condo ng binata para sa isang munting celebration na sila lang dalawa. Nag-luto si Crystal ng paboritong pag-kain ni Arthur sa condo ng binata. Nag-baked din siya ng chocolate cake na paborito din ni Arthur.

Nag-huhugas na ng mga ginamit nya si Crystal nang bigla siyang yakapin ni Arthur sa likuran nya. Hinalikan ng binata ang batok ni Crystal at agad siyang kinilabutan sa ginawa ni Arthur.

“Ano ba Arthur, may ginagawa ako.” Pag-iwas na sabi nya sa binata.

“Matagal na din naman tayo babe, baka pwede na tayong...” Hindi na natapos ni Arthur ang kanyang sasabihin at agad na tinakpan ni Crystal ang kanyang bibig.

“Napag-usapan na natin ito Arthur diba?” Sabi ng dalaga sa kanya.

“Pero hindi ba pwede na mag-advance bago tayo ikasal?” Nakangising sabi pa ni Arthur sa dalaga.

Inirapan ni Crystal si Arthur. “Hindi nga pwede Arthur wag kang makulit.” Sabi ng dalaga at tinuloy ang ginagawa sa kusina.

Biglang pinihit ni Arthur paharap sa kanya si Crystal at marahas na hinalikan sa mga labi. Agad namang nag-pumiglas ang dalaga sa ginawa ni Arthur ngunit hinapit pa siya lalo ni Arthur palapit sa kanya.

“Ano ba Arthur bitawan mo ako!” Nag-pupumiglas na sabi ni Crystal sa binata.

“Pag-bigyan mo na ako Crystal tutal birthday ko naman.” Sabi ng binata habang gumagapang ang halik nya sa leeg ng dalaga.

Tinulak ni Crystal ng buo nyang lakas si Arthur at nagulat ang binata sa ginawa nya. Nag-madaling umalis si Crystal sa condo ni Arthur dahil baka hindi na nya mapigilan ang nobyo sa binabalak nito kapag nag-tagal pa siya.

Ilang araw na ang nakakaraan ngunit hindi pa din nag-paparamdam sa kanya si Arthur. Nagulat at natuwa si Crystal ng tumawag na sa kanya si Arthur at gusto na nitong makipag-kita sa kanya, kaya naman agad siyang nag-handa sa pag-kikita nila sa araw ng monthsary nila.

Masakit ang ulo ni Crystal ng magising siya sa isang lugar na hindi pamilyar sa kanya. Napabalikwas siya ng bangon at biglang lalong sumakit ang ulo nya. Napatingin siya sa kanyang katawan, suot pa din naman nya ang damit nya. Bigla nya naalala ang ginawa nya kagabi at napahawak siya sa kanyang ulo.

Alliance of a Broken Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon