Chapter 7
Sa unang araw ng work out nila excited na excited si Crystal na maibalik ang kanyang natatagong alindog sa likod ng mga belly fats nya. Lumingon siya sa kinauupuan ng kinakabahan na si Ezekiel.
Lumapit siya sa binata na magigpit na nakahawak sa kanyang bottled water. “Baka naman masira na yang tubigan mo.” Nakangiting sabi ni Crystal.
Lumingon ang binata sa kanya. “Kinakabahan kasi ako, kaya ko bang buhatin ang mabibigat na gabay na yan?” Tinuro pa nya ang mga barbel sa paligid.
Napangiti si Crystal. “Kailangan mong kayanin para sa pag-ibig mo na kailangan mong mabawi.” Sabi nya.
He sighed very slowly. “Ok sige kakayanin ko para kay Kimberly!” Puno ng determinasyon na sabi nya.
“Yan tama, that’s the spirit! Tara na mag-warm up muna tayo para hindi mabigla ang katawan natin.” Hinila na ni Crystal si Ezekiel. “First time mo ba na mag-gym?” Tanong ng dalaga.
Tumango naman si Ezekiel. “Oo eh.” Tugon nya.
Tinapik ni Crystal ang balikat ng binata. “Don’t worry si Aneth ang bahala sa atin, magaling iyan. Alam mo ba na madami ng payatot na naging super hunk sa ka-machohan dahil sa kanya?” Pag-mamalaking sabi ni Crystal.
His eyes twinkle in excitement. “Talaga?” Tanong nya.
Napangiti si Crystal. “Oo naman dito nga nagsimula mag gym ang boyfriend ko na si Arthur eh. Dati kasi payatin din ang isang iyon nadaan lang sa pag g-gym kaya naging kasing tigas ng bato ang mga muscle.” Nakangiting sabi pa nya ng maalala ang katawan ng nobyo.
Napangiwi naman si Ezekiel. “Kaya pala pati puso nya naging kasing tigas na din ng bato noong iwan ka nya.”
Inirapan nya si Ezekiel. “Tara na nga mag-simula a tayo, baka tamaan ka pa sa akin.” Sabi pa nya.
Puro stretching at mild exercise lang ang ginawa nila sa gabing iyon pero todo hingal na agad si Ezekiel. “Ano payatot kaya pa?” Mapang-asar na sabi ni Crystal kay Ezekiel habang todo exercise pa din siya.
Hingal na hingal na nag squat si Ezekiel at tinuon ang mga kamay sa kanyang mga tuhod. “Teka, sandali pagod na ako.” Humihingal na sabi nya.
BINABASA MO ANG
Alliance of a Broken Heart (Completed)
RomancePaano kung ang dalawang Broken Hearted ay pinag-tagpo ng tadhana? Napag-desisyunan nilang tulungan ang isa't-isa pero hanggang kailan nila mapapanindigan ang planong ginawa nila? Hanggang kailan sila mag-papanggap? Hanggang kailan nila itatago ang...