Chapter 5

288 24 0
                                    

Chapter 5

Pag-katapak nya sa isang bakal nadulas siya at na out of balance. Wala na siyang nagawa kundi lumundag sa kinaroroonan ni Ezekiel, pero dahil hindi siya kinaya ng binata parehas silang natumba sa sahig.

Napahawak sa balakang si Crystal. “Aray ko ang sakit mamamatay na yata ako ouch...” Nakangiwing sabi nya habang nasa ibabaw ni Ezekiel.

Tinignan ng masama ni Ezekiel ang dalaga. “Ouch ka dyan! Ako nga ang pinisa mo eh, mahiya ka naman sa bigat mo mas mabigat ka pa sa dalawang sako ng bigas eh.” Sabi nya habang nakadagan si Crystal sa kanya.

Saglit na tumigil ang paligid at nag-katitigan silang dalawa. Halos two inches lang ang pagitan ng kanilang mga mukha. Nakahawak si Crystal sa dibdib ng binata at nakahawak naman si Ezekiel sa likod ni Crystal.

Agad namang tumayo si Crystal at pinagpagan ang kanyang dress. “Sorry naman, sabi mo kasi bumaba ako eh.” Patay malisya nyang sabi.

Tumalikod si Crystal dahil bigla siyang nahiya sa itsura nila kanina. Hinilamos nya ang kanyang kamay sa mukha nya. “Ano ba kasi ang sasabihin mo?” Tanong nya.

Tumayo na din si Ezekiel at humarap sa dalaga. “I’m Ezekiel.” Inabot nya ang kanyang kamay sa dalaga.

She rolled her eyes. “Pinababa mo lang ba ako para makipag kilala?” Dismayadong sabi nya pinag cross pa nya ang kanyang mga braso.

“Siyempre hindi pa natin kilala ang isa’t isa kaya kailangan ng introduction bago tayo mag-usap. Ano ba ang pangalan mo miss?” Tanong nya.

Siya naman ang nag-abot ng kamay sa binata. “Crystal.” Tugon nya.

Nakipag kamay naman ang binata sa kanya. “Nice to meet you Crystal.” Nakangiting sabi nya.

Binawi din naman agad ni Crystal ang kamay nya. “So ano na ang pag-uusapan natin?” Tanong nya.

Humawak si Ezekiel sa kanyang baba at aktong nag-iisip. “Hmm... tulal kasi nabanggit mo kanina na tutulungan mo ako, bakit hindi na lang tayo magtulungan?” Nakangiting sabi pa nya.

“At bakit naman kita tutulungan aber?” Mataray na sabi ni Crystal.

Natawa si Ezekiel. “Dahil niligtas ko ang buhay mo?” Sabi nya.

Alliance of a Broken Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon