Chapter 20
Pag-kalipas isang oras dumating si Aneth sa kanyang condo. May dalang pagkain at prutas ang dalaga para kay Crystal.
Binuksan ni Crystal ang kanyang pinto at agad na yumakap siya sa kaibigan. Hindi na nya napigilan ang mapaiyak.
Kahit nag-tataka hinaplos ni Aneth ang likod ng kaibigan. “Ano ba ang problema Crystal?”
Humiwalay si Crystal sa pag-kakayakap sa kaibigan at nag-punas ng luha. “Pumasok muna tayo sa loob.”
Naupo sila sa sofa at humarap si Aneth kay Crystal. Pinatong ni Aneth ang dala nyang pagkain sa coffee table. “Love life ba ang dahilan ng mga luha na ‘yan?”
Tumango tango si Crystal. “Naguguluhan kasi ako Aneth.”
Hinawakan ni Aneth ang kanang kamay ng kaibigan. “Ano ba ang gumugulo sa’yo? Hmmm... Teka baka ang magandang tanong eh, sino?” Tumingin siya ng nakakaloko kay Crystal.
Napayuko si Crystal. “Hindi ko kasi alam kung itutuloy ko pa ba ang plano namin ni Ezekiel. Iba na kasi itong nararamdaman ko eh.” Pag-amin nya sa kaibigan.
“So, ibig sabihin may gusto ka na kay Ezekiel? Tama ba ang conclusion ko?”
“Hindi ko alam, naguguluhan talaga ako eh.” Ginulo pa nya ang kanyang buhok.
“Alam mo best, sundin mo na lang kung ano ba talaga ang nand’yan sa puso mo.” Tinuro pa niya ang dibdib ni Crystal. “Kasi kung hindi naman bukal sa loob mo ang gagawin mo, baka pag-sisihan mo lang ‘yan balang araw.”
“Pero, hindi naman ako mahal ni Ezekiel. Si Kimberly ang mahal nya. Kaya nga siya humingi ng tulong sa akin, para bumalik sa kanya si Kimberly.”
“Nasabi mo na ba ‘yang feelings mo kay Ezekiel?”
Umayos ng upo si Crystal. “Hindi ko sinabi sa kanya.” Mahinang tugin nya.
Nakaalis na si Aneth sa condo ni Crystal pero tuliro pa din ang utak nya. Nag-punta sa kusina at nag-hilamos ng tubig sa mukha. Sinuklay nya ang kanyang mga daliri sa kanyang buhok at tumingala.
Bumalik siya sa sofa at nag-isip isip. Napatingin siya sa pag-kain na dala ni Aneth at tinignan iyon. Kumuha siya ng paborito nya na doughnut at kinain iyon.
BINABASA MO ANG
Alliance of a Broken Heart (Completed)
RomancePaano kung ang dalawang Broken Hearted ay pinag-tagpo ng tadhana? Napag-desisyunan nilang tulungan ang isa't-isa pero hanggang kailan nila mapapanindigan ang planong ginawa nila? Hanggang kailan sila mag-papanggap? Hanggang kailan nila itatago ang...