Chapter 27

195 14 0
                                    

Chapter 27

Matamlay na pumasok sa mansion si Ezekiel. Dumeretso siya sa mini bar malapit sa kusina. Hindi na nya nagawang kumain ng dinner.

Nagsalin siya ng isang hard drinks sa baso at nilaklak nya agad ang laman noon. Napangiwi siya sa tapang ng lasa pero hindi nya ininda iyon.

Hindi nya makalimutan ang mukha ni Crystal simula nang umalis sng dalaga sa kanyang office. Kitang kita nya ang sakit na nararamdaman ng dalaga sa kanyang mga mata.

Guilty siya dahil hindi nya pinagbigyan ang dalaga na magkausap silang dalawa nang maayos. Nangangalahati na ang laman ng bote nang dumating ang kapatid nya na si Errol.

Lumapit siya kay Ezekiel. “Bro, anong problema?” Pinatong nya ang isang kamay nya sa balikat ni Ezekiel.

Tinaas nya ang kanang kamay nya. “Wala ito kuya.” Pag-iwas na sabi nya.

Naupo si Errol sa kabilang stool. Kumuha na din siya ng sarili nyang baso at nagsalin ng alak. “Kung ayaw mong sabihin, sasamahan na lang kita sa pagpapaka-lasing mo.” Tinungga nya ang alak.

Napayuko si Ezekiel. “Si Crystal.”

Napatingin si Errol sa kanya. “Bakit anong nangyari kay Crystal?” Takang tanong ni Errol.

“Mahal ko siya kuya Errol. Pero nagawa ko siyang saktan.” Tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Pinunasan nya agad ang luha sa kanyang pisngi. “I’m sorry napaiyak ako.” pasinghot-singhot na sabi nya.

“Alam mo tol, ang tunay na lalaki ay hindi nahihiyang umiyak. Tao lang din tayo, may emosyon na kailangan ilabas. Dapat nga maging proud ka kasi marunong kang umiyak, ibig lang sabihin noon na totoong tao ka Ezekiel.” Madamdaming wika ni Errol.

Napatingin lang si Ezekiel sa kanya.

“Madami nga d’yan, takot umiyak. Nagpapanggap sila na matatapang sila at malalakas. That’s bullshit! Hindi nila alam na mas matatapang ang mga lalaking marunong umiyak dahil hindi sila natatakot na ilabas ang totoong nararamdaman nila.” Nagsalin ulit siya ng alak.

“Umiyak ka na ba kuya Errol?” Tanong nya.

Ngumiti si Errol. “Oo naman, at dahil sa pag-iyak ko na ‘yun na-realized ko na talagang tutulo ang luha mo kapag ayaw mong mawala sa’yo ang isang taong pinakamamahal mo.”

Alliance of a Broken Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon