Chapter 10

278 23 2
                                    

Chapter 10

Pinagpag nya ang panyang mga kamay para mabawasan ang pagka-tense na nararamdaman nya. Tumayo siya at nag-palakadlakad sa loob ng kanyang office. Napahawak siya sa kanyang dibdib ng biglang tumunog ang kanyang cellphone.

Ganon na lang ang kanyang pag-kagulat at medyo napatili siya. “Oh my God!” Huminga siya ng malalim at kinuha ang cellphone.

From Aneth:

Nakita ko si Arthur kasama ang kanyang Mommy. Galing pala sila ng Singapore, nagbakasyon daw sila. Kasama din nila ang bagong girlfriend ni Arthur. Grabe chix na chix ang ganda nya parang Disney Princess ang datingan nya.

06:49PM, 06June

Natuwa naman si Crystal dahil nag-pakita na ang kanyang mahal na si Arthur. Kaya pala hindi namin siya makita kahit saan yun pala nasa Singapore lang pala. Natawa naman siya sa huling part ng text ni Aneth. Baliw talaga itong si Aneth, hindi ko talaga alam kung tomboy ba siya o ano. Tinanong ko naman siya dati sabi naman nya girl na girl daw siya body and soul, sadyang loka-loka lang talaga siguro. Hindi na siya nag-reply sa kaibigan at binalik na nya ang kanyang cellphone sa desk nya.

Tpos na ang office hours at nag-aayos na siya ng kanyang mga gamit nang biglang tumunog na naman ang kanyang celpphone. Kinuha nya iyon at sinagot ang tawag.

“Hello Ezekiel?” Simula nya.

Narinig nya na medyo tumawa ang binata. “Ready?” Tanong ni Ezekiel.

Ilang sigundo ang nakalipas ng sumagot siya. “Yeah.” Matipid na tugon nya.

“I’m on my way, see you in twenty minutes.” Sabi pa ng binata.

“Hello Ezekiel? Hello?” Hindi na sumagot si Ezekiel. Tinignan nya ang kanyang cellphone. “Naputol na pala.” Nilagay na nya sa kanyang bag ang cellphone nya.

Tahimik lang sila habang nasa biyahe sila patungo ng Ortigas. Kitang kita naman ang pananabik at pag-kislap ng mga mata ni Ezekiel. Halatang halata na sabik na sabik siyang makita si Kimberly pero hindi na lang umimik si Crystal.

Inalalayan ni Ezekiel na makababa si Crystal sa sasakyan at himawak siya sa siko ng dalaga habang pag-lalakad patungo sa entrance ng restaurant. Hindi pa man sila tuluyang nakakapasok ng restaurant biglang nanlambot ang mga tuhod ni Crystal.

Napatigil siya sa pag-lakad at humarap sa kanya si Ezekiel. “Crystal, what’s wrong?” Nag-tatakang tanong ng binata.

Alliance of a Broken Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon