Chapter 28
Tumakbo si Ezekiel nang makababa siya ng kanyang sasakyan papasok sa malaking ospital. Nagmadali siyang pumunta sa emergency room. Hinarang naman siya agad ng mga nurse.
“Sir, maghintay na lang po kayo sa mga upuan sa gilid.” Sabi ng nurse na babae.
Napasabunot sa buhok niya ang binata at napasandal sa pader. Nang maisara ang pinto ng emergency room ay nagpumilit siya na silipin ang dalaga sa loob.
Nang wala siyang makita sa maliit na butas ay matamlay na naupo siya sa upuan sa hallway. Napatayo siya nang makita ang humahangos na si Aneth. Napatingin agad sa kanya ang dalaga at lumapit.
“Ezekiel, anong nangyari kay Crystal? Tinawagan kasi ako ng Mama nya sabi nasa ospital daw siya.” Nag-aalalang wika ng dalaga.
“Hindi ko nga din alam, nakita ko na lang na binubuhat siya patungo sa ambulansya. Narinig ko sa loob kanina na, na hit and run daw siya.” Malungkot na sabi nya. Napayuko ang binata at pinag-dikit ang mga palad.
Ilang sandali pa ang nakalipas ay dumating ang mga magulang ni Crystal. Agad na lumapit si Aneth sa Mama ni Crystal at nagbeso-beso.
“Tita, ano po ang nangyari kay Crystal?” Tanong nya.
Nag-punas ng luha ang ginang. “Na hit and run siya Aneth. Ayon sa mga nakakita isang puting sasakyan daw ang sumagasa sa kanya. At ang malungkot pa parang sinadya daw.” Umiiyak na sabi nya.
“Ang nakakapagtaka, wala naman kaming nakagalit o nakaaway para gawin ito sa anak namin.” Wika ng Daddy ni Crystal.
Nag-angat ng ulo ang nakayukong si Ezekiel at napatingin sa mga magulang ni Crystal. Sabi nang Mama nya puting kotse ang sumagasa kay Crystal, at mukhang sinadya. Napahawak siya sa kanyang baba. Hindi kaya...
Biglang tumayo ang binata at tumakbo palabas ng ospital. Nagulat naman si Aneth dahil biglang umalis ang binata.
“Ezekiel saan ka pupunta?” Sigaw ni Aneth sa tumatakbong binata.
“Babalik ako!” Tugon ng binata sa malakas na boses.
Pinaandar nya ang kanyang kotse patungo sa bahay ni Kimberly. Napailang mura na siya dahil sa matinding traffic. Naririndi na din siya sa ingay ng mga bumubusinang sasakyan sa paligid.
BINABASA MO ANG
Alliance of a Broken Heart (Completed)
RomancePaano kung ang dalawang Broken Hearted ay pinag-tagpo ng tadhana? Napag-desisyunan nilang tulungan ang isa't-isa pero hanggang kailan nila mapapanindigan ang planong ginawa nila? Hanggang kailan sila mag-papanggap? Hanggang kailan nila itatago ang...