Chapter 19

179 17 0
                                    

Chapter 19

Excited siyang tumayo ng kama nang tumunog ang kanyang doorbell. Ang bilis naman ni Ezekiel. Binuksan nya ang pinto nya at napa nga-nga sa nakita nya.

She rolled her eyes. “Bakit nandito ka na naman?” Mataray na tanong ni Crystal kay Arthur.

“Kahit ipag-tabuyan mo ako Crystal, araw-araw na akong pupunta dito para dalawin ka. Nakipag-hiwalay na ako kay Kimberly dahil sawa na din daw siya sa relasyon namin.” Sabi ni Arthur sa dalaga.

Tumaas ang kilay nya. “So? Anong gusto mo? Makipag-balikan na ako sa’yo dahil hiwalay na kayo? Anong tingin mo sa akin laruan? Nag-sawa kana kay Kimberly kaya binabalikan mo ang dati mo?” Pinag-cross pa nya ang kanyang braso.

Isasara na dapat ni Crystal ang kanyang pintuan nang biglang iharang ni Arthur ang kamay nya. “Ano ba kasi Arthur? Sinabi ko na sa’yo na hindi na kita mahal! Ano pa ba ang gusto mo ha?” Singhal nya sa binata.

Tuluyan nang nakapasok si Arthur sa loob ng condo ni Crystal. Naramdaman ni Arthur na mainit si Crystal nang mag-kadikit silang dalawa. Nilagay ni Arthur ang palad nya sa noo ng dalaga.

“May lagnat ka.” Sabi ni Arthur.

Tinanggal ni Crystal ang kamay ng binata. “Ano naman sa’yo? Pwede ba umalis kana? Hindi kita kailangan dito.” Tumalikod siya kay Arthur.

Niyakap siya nang mahigpit ni Arthur mula sa kanyang likuran. “Please naman Crystal. Pag-bigyan mo naman ako. Aalagaan kita ngayon, at hindi ako aalis sa tabi mo.” Pag-susumamo nya.

Nag-pumiglas naman si Crystal sa pag-yakap ni Arthur sa kanya. “Bitawan mo ako Arthur! Nasasaktan ako!” Bulyaw nya.

Biglang bumitaw ang binata. “I’m sorry Crystal, hindi ko intensyon na saktan ka.” Niyakap nya ulit si Crystal nang humarap ang dalaga sa kanya.

Sinumulan na ding halikan ni Arthur si Crystal habang yakap yakap nya ang dalaga. Hindi na nila naisara ang pintuan ng condo kaya nakapasok adad si Ezekiel at nakita sila sa aktong nag-hahalikan.

Nag-dilim bigla ang paningin ni Ezekiel at sinugod si Arthur. Hinila nya si Arthur palayo sa dalaga at sinuntok nya ito. Bumagsak si Arthur sa sagig at napahawak sa gilid ng labi nya na dumugo.

Nanginginig sa galit si Ezekiel. “Walang hiya ka talaga Arthur!” Susugurin pa sana ni Ezekiel si Arthur pero biglang humarang si Crystal.

Alliance of a Broken Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon