Chapter 9
Mag-iisang taon na silang hiwalay ni Arthur ngunit hanggang ngayon hindi pa din sila nag-kikita. Kahit mag-kasalubong man lang ang kanilang mga landas ng hindi sinasadya hindi nangyari. Talagang iniiwasan na siguro ni Arthur ang mga lugar na madalas nilang puntahan ni Crystal noon.
Sa mga lugar na madalas nilang puntahan ni Arthur dati ang pinupuntahan nila ni Ezekiel dahil nag-babaka sakali sila na bumalik doon si Arthur at makita sila, ngunit sadyang mailap pa ang pag-kakataon. Napag-pasyahan nila na mag-iba ng mga lugar na pinupuntahan at hindi naman sila nabigo dahil nakakita sila ng mga kaibigan ni Arthur sa isang restaurant sa Eastwood.
Hindi na nilapitan ni Crystal ang mga kaibigan ni Arthur na nakita nila dahil hindi naman siya ganoon kalapit sa mga ito. Nginitian naman siya ng dalawa sa mga kaibigan ng binata at ngumiti din naman siya sa mga ito.
Tulad ng inaasahan ni Crystal very sweet na naman sa pag-papanggap si Ezekiel kasi minsan siya na mismo ang naiilang sa binata. Pinipilit nya ang sarili na makisabay sa binata kahit si Ezekiel lang ang halos nag e-effort. Hindi naman nag-rereklamo si Ezekiel at patuloy pa din siya sa ginagawa.
Nang matapos ang ilang sunod-sunod na fake date nila ng binata kinausap nya ito ng masinsinan. “Ezekiel pwede ba na pahinga muna tayo sa date natin? Siguro kailangan muna natin siguraduhin na makikita natin ang kahit isa sa mga traget natin bago gumawa ulit ng hakbang.” Seryosong sabi nya sa binata.
Naunawaan naman siya ni Ezekiel. “Okay, tatanungin ko muna ang mga reliable source ko kung alam nila kung saang lugar pupunta si Kimberly bago tayo mag date. Ikaw din mag-tanong tanong ka muna baka mayroong nakakaalam kung saan mag da-date ang ex mo at new girlfriend nya.” Nakangiting sabi nya.
Tumango tango naman si Crystal bago tuluyang mag-paalam sa binata. Pumasok na si Crystal sa condo nya at umalis na si Ezekiel. Hindi na nya napapasok ang binata sa loob dahil masyado ng malalim ang gabi at pagod na din siya.
Ilang araw na ding hindi nag-kikita sina Ezekiel at Crystal. Nakahinga naman ng maluwag si Crystal dahil kahit paano nakakaiwas siya sa mga fake na pag-lalambing ng binata sa kanya. Lalo lang nya kasing na-aalala si Arthur sa mga ginagawa ni Ezekiel sa kanya.
Madalas kinikilabutan siya sa mga ginagawa ni Ezekiel sa kanya kahit na alam naman nyang fake lang ang lahat. Hindi nya maunawaan ang sarili nya kaya humingi muna siya ng space sa binata. Nasasanay na din kasi siya na laging nakikita si Ezekiel at ayaw nya na maging super attached sa binata.
Regular pa din silang nag-pupunta sa gym ni Aneth para sa maintenance ng kanilang figure, pero hindi na sila mag-kasabay na pumunta ni Ezekiel. Pati si Aneth nag-tataka na din minsan kaya nag-dadahilan na lang si Crystal sa kaibigan nya.
Lumapit si Aneth Kay Crystal habang nag-pupunas ng kanyang pawis. “Hindi na naman kayo mag-kasabay ni Ezekiel ah. Nag-iiwasan ba kayong dalawa?” Tanong niya kay Crystal.
BINABASA MO ANG
Alliance of a Broken Heart (Completed)
RomancePaano kung ang dalawang Broken Hearted ay pinag-tagpo ng tadhana? Napag-desisyunan nilang tulungan ang isa't-isa pero hanggang kailan nila mapapanindigan ang planong ginawa nila? Hanggang kailan sila mag-papanggap? Hanggang kailan nila itatago ang...