Chapter 3

322 22 0
                                    

Chapter 3

Tinulungan ni Cheska tumayo si Ezekiel. “Ano bang nangyari Ezekiel?” Tanong ni Cheska sa kanya.

“Si Kimberly, pinag-palit nya ako sa iba.” Mangiyak ngiyak na sabi nya.

Pinaupo ni Cheska si Ezekiel sa isang bakanteng table. Tinawag ng dalaga ang isang bartender para ikuha ng tubig si Ezekiel. “Inumin mo muna ito.” Inabot ni Cheska ang baso ng tubig kay Ezekiel.

Kinuha naman ni Ezekiel ang tubig at ininom. “Mahal na mahal ko siya pero hindi ko inakala na lolokohin nya ako, at ang masakit pa tinanggi nya na mayroon kaming relasyon.” Tumulo na ang luha sa mga mata ni Ezekiel.

Hinagod naman ni Cheska ang likod ng binata. “Pabayaan mo na siya Ezekiel mayroon ka pa namang makikita na mas higit pa sa kanya.”

“Pero si Kimberly lang ang mahal ko. Siya lang ang nag-iisa dito sa puso ko.” Tinuro pa nya ang kinaroroonan ng kanyang puso.

Huminga ng malalim si Cheska bago mag-salita. “Alam kong masakit ito para sayo pero matututuhan mo din siyang kalimutan. Huwag ka nang umiyak, she’s not worth it.” Sabi pa ni Cheska.

Biglang naalala ni Ezekiel ang dahilan ng pag-punta nya sa bar ng kapatid nya. “Nasaan nga pala si kuya Errol?” Tanong nya.

“Mayroon siyang inasikaso kaya wala siya dito ngayon.” Sabi ni Cheska.

Nilabas ni Ezekiel ang invitation at binigay kay Cheska. “Paki bigay na lang ito kay kuya Errol. Invitation ng kasal ng pinsan namin.” Sabi ni Ezekiel.

Kinuha ni Cheska ang invitation. “Sige ako na ang mag-bibigay sa kanya.”

“Sige na bumalik ka na sa ginagawa mo Cheska, masyado na kitang naaabala. Mag-iinom na lang ako dito.” Sabi ni Ezekiel.

“Wag kang mag-papakalasing Ezekiel baka malintikan ako sa kuya mo kapag nalaman nya na kinunsinti kita.” Paalala naman ni Cheska sa binata.

Malalim na ang gabi ng mapansin ni Ezekiel ang isang magandang babae na pumasok sa bar. Mugto ang mapupungay na mga mata ng dalaga at malungkot na malungkot ang maganda at maamong mukha. Sinundan nya ito ng tingin ngunit hindi nya nagawang lapitan dahil si Kimberly pa din ang laman ng kanyang isipan.

Alliance of a Broken Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon