Chapter 29

182 14 0
                                    

Chapter 29

Kinabukasan pwede nang pumasok sa loob ang bisita pero isa-isa lang ang pwedeng pumasok. Maselan pa ang lagay ni Crystal dahil baka makasagap pa siya ng infection galing sa mga bibisita sa kanya.

Kaya kailangan mag-suot ng surgical gown, gloves, mask head cap ang mga bisita. Nang makapasok si Ezekiel sa loob ay lumapit siya sa dalaga naupo siya sa tabi ng kama at hinawakan nya ang kamay ni Crystal.

“Sana gumising ka na Crystal.” Malungkot na sabi nya sa nahihimbing na dalaga.

Hinalikan nya ang kamay ng dalaga. Mangiyak ngiyak na naman siya. Pinipigilan lang nya ang kanyang luha, dahil baka pumatak iyon sa dalaga.

Masuyo nyang tinitigan ang walang malay na dalaga. Hinaplos nya ang buhok ni Crystal at inayos sa magkabilang gilid ng kanyang ulo.

Naramdaman nya na gumalaw ang daliri ni Crystal. Nagulat siya at natuwa sa nakitang reaksyon sa dalaga. Agad siyang tumayo at tumawag ng doctor.

Sumilip siya sa labas at may nakita siyang nurse. “Nurse, makikitawag naman ang doctor.” Pakiusap nya.

“Sige po Sir, tatawagin ko na po si Doc.” Agad na umalis ang nurse.

Bumalik siya sa tabi ng dalaga at hinawakan ang kamay nya. “Wag kang mag-alala Crystal, dadating na ang doctor.”

Agad namang dumating ang doctor ng dalaga. Nag-sagawa sila ng ilang pag-susuri sa dalaga. Pagkatapos ay bumaling sa kanya ang doctor.

“Stable na ang kanyang vital signs. Magandang senyales ang pinakita nya kaya ilang sandali pa ay pwede na siyang magising.” Nakangiting sabi ng doctor.

Natuwa naman ang binata sa sinabi ng doctor. “Naku, maraming salamat po Doc.”

Nag-text siya kay Aneth para sabihin ang magandang balita na any time ay magigising na si Crystal. Ilang oras ang nakalipas nang dumating si Aneth na may dalang pag-kain.

Si Aneth naman ang pumasok sa loob at naiwan si Ezekiel sa labas na nakasilip sa salamin na bintana. Hinawakan ni Aneth ang kamay ng kaibigan.

“Best, gumising ka na d’yan. Nasa labas lang ang prince charming mo, bantay sarado ka nya.” Ngumiti pa si Aneth. “Hinihintay ka na nya, kaya bilisan mo na at imulat mo na ang mga mata mo.”

Alliance of a Broken Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon