Chapter 15

218 23 0
                                    

Chapter 15

Patuloy naman sa pag-lalambingan sina Crystal at Ezekiel habang kumakain sila. Hanggang sa hindi na nakapag-pigil pa si Kimberly. Tumayo siya at maaaninag sa kanyang maamong mukha ang matinding pag-kagigil.

Tinuon ni Kimberly ang kanyang dalawang palad sa table. “Excuse me, pupunta lang ako sa ladies room.” Kinuha nya ang kanyang bag.

Ngumiti at tumango naman sina Crystal at Ezekiel. Napatingin na lang si Arthur kay Kimberly na walang sinabi na kahit ano. Lumakad na palayo si Kimberly at patuloy lang sa pag-susubuan ng pag-kain sina Crystal at Ezekiel.

Kahit si Arthur ay hindi na matagalan ang sweetness na pinapakita nila Crystal at Ezekiel sa harapan nya. Hindi din siya makapaniwala na nahigitan na siya ngayon ng dating nobyo ni Kimberly.

Hindi ako makapaniwala na magiging ganito ang pangangatawan ni Ezekiel pag-kalipas lang ng mahigit isang taon. Sabi ni Arthur sa kanyang isip habang nakatingin sa dalawa. Panay din ang halikan ng dalawa kaya sobrang naiilang na siya.

Nakakaramdam ng kakaibang pag-kapoot si Arthur sa tagpong kanyang nakikita kaya bigla siyang napatayo. “Excuse me lang, pupunta muna ako sa kusina para tignan kung naayos na ba ang dessert natin.” Sabi nya at agad na lumakad palayo sa dalawa.

Natawa naman ng bahagya si Crystal at hindi na napigilan ni Ezekiel ang mapangiti dahil sa inasta nila Kimberly at Arthur. “Ang galing natin ah. Akalain mo ‘yun? Inis na inis ‘yung dalawa sa acting nating dalawa.” Natatawang sabi ni Crystal kay Ezekiel.

Natawa na din ng bahagya si Ezekiel. “Wag ka masyadong maingay baka may makarinig sa atin. Nasa teritoryo pa din tayo ni Arthur, kaya kailangan natin ng matinding pag-iingat.” Sabi naman ni Ezekiel.

Nag-patuloy lang ang dalawa sa pag-lalambingan kahit wala sina Arthur at Kimberly. Samantala, sinundan ni Arthur si Kimberly kaya siya umalis sa kanilang table.

Nakita ni Arthur si Kimberly sa gilid ng kanyang restaurant na nag-sisigarilyo. Lumapit siya agad sa dalaga. “Kimberly, anong ginagawa mo dito? Bakit bigla mo na lang akong iniwan sa loob?” Naiinis na sabi nya sa dalaga.

Humithit pa siya ng sigarilyo habang medyo nanginginig pa ang mga kamay. “Hindi ko na kinaya eh. Naiinis ako sa dalawang iyon!” Sabi nya sa malakas na boses.

Bumuntong hininga si Arthur. “Bakit? Nagseselos kaba sa kanilang dalawa? Gusto mo pa din ba si Ezekiel ha?” Natawa ng mapakla si Arthur. “Kung sabagay, mas maganda na ngayon ang pangangatawan ni Ezekiel kesa sa akin diba? Nag pla-plano ka na ba ngayon kung paano mo siya mababawi kay Crystal?” Inis na sabi niya sa dalaga.

Alliance of a Broken Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon