Chapter 6

280 24 0
                                    

Chapter 6

Nang makauwi si Crystal sa bahay agad siyang naligo at nag-palit ng pang-tulog. Sobrang napagod siya sa araw na ito kaya kailangan nya ng matinong pahinga.

Pag-kalabas nya ng banyo tumunog ang cellphone nya. Kinuha nya iyon at binasa ang text message.

From Ezekiel:

Mayroon ka na bang naisip na plano partner?

11:38PM, 23 Jul

Napangiti siya dahil naalala nya ang plano nilang dalawa. Nag-simula siyang mag type ng reply nya.

To Ezekiel:

Actually meron na pero bukas ko na lang i-discuss sayo ang bawat detalye. Pagod na kasi talaga ako at kailangan ko na ng matinong tulog.

11:40PM, 23 Jul

Ilang minuto ang nakalipas ng mag-reply si Ezekiel.

From Ezekiel:

Ok! Goodnight and sweet dreams J

11:45PM, 23 Jul

Napailing si Crystal ng mabasa nya ang reply ng binata. May smiley pang nalalaman itong payatot na ito. Hindi na siya nag-reply, nagbihis na siya at nahiga sa kama para matulog.

Kinabukasan nagulat siya dahil sa dami ng text messages na na received nya galing kay Ezekiel. Tanong ng tanong ang binata tungkol sa sinabing plano ni Crystal kagabi. Sabi kasi ni Crystal na ngayon nya iyon sasabihin.

Napailing na lang si Crystal. “Ang kulit naman ng payatot na ito.” Sabi nya sa sarili habang nag-susuklay ng buhok.

Hindi siya nag-reply sa mga text ni Ezekiel at dumeretso na siya sa banyo para maligo. Wala ng dahilan para mag-mukmok siya sa kanyang kwarto dahil alam nya na kapag hindi pumalpak ang plano nila magiging masaya na ulit sila.

Pakanta-kanta pa siya habang naliligo dahil nakaka good vibes talaga ang naisip nilang plano ni Ezekiel. Pag-katapos nyang maligo nag-ayos na siya ng sarili para pumasok sa kumpanya na pinamamahalaan ng kanilang pamilya.

Ilang araw din siyang hindi pumasok at pinakiusapan nya lang ang Daddy nya dahil hindi nya talaga kayang mag-trabaho dahil sa break up issue nila ni Arthur.

Dumating na kahapon ang request nya sa kanyang Daddy na new car. Excited siyang gamitin iyon kaya umalis na agad siya ng kanyang condo at nag-punta sa parking lot.

Alliance of a Broken Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon