Alliance of a Broken Heart
Chapter 1
Masaya si Crystal ngayong araw dahil monthsary nila ng kanyang nobyo na si Arthur. Nag-karoon sila ng konting hindi pag-kakaunawaan, pero tinawagan na ni Arthur si Crystal para makipag-kita sa kanya kaya naisip niya na ok na sila. Sinuot nya ang pulang dress na niregalo sa kanya ng kanyang nobyo noong kaarawan nya isang buwan na ang nakakaraan.
Nag-taxi na lang siya dahil ginamit ng kuya nya ang kotse nila sa bahay, nag-out of town sila kasama ang kanyang barkada. Tinignan nya ang kanyang relo, alas nuebe na ng gabi. Ang sabi kasi ni Arthur pumunta siya sa restaurant na pagmamay-ari ng binata sa closing time. Bigla tuloy siyang na excite, naisip nya na siguro mayroong surpresa sa kanya si Arthur dahil monthsary nila.
Konti na lang ang tao sa restaurant ng makarating siya. Naupo siya sa isang bakanteng table for two at agad na lumapit ang isa sa waiter ni Arthur. “Nasaan na ang amo mo?” Tanong nya sa waiter.
“Ah, hintayin nyo na lang po Ma’am. Mayroon po ba kayong gustong kainin habang nag-hihintay kayo?” Magalang na sabi naman ng waiter sa kanya.
“Hmm... Vegetable salad na lang at mango juice.” Sabi ng dalaga.
Umalis na ang waiter para kunin ang order ni Crystal at tumingin siya sa labas. Nasaan na kaya ang lalaking iyon? Nakakapag-taka kasi wala siya dito, dati-rati naman ayaw na ayaw nyang pinag-kakatiwala ang restaurant nya sa mga empleyado niya lang.
Wala na ang mga huling kumakain kanina, naubos na din ang salad at juice ni Crystal pero wala pa din si Arthur. Medyo hindi na tuloy maganda ang pakiramdam nya. Tutuloy pa ba siya? Napapansin nya din na panay na ang tingin ng mga tauhan ni Arthur sa kanya pero kapag tumitingin si Crystal sa kanila agad silang nag-iiwas ng tingin sa dalaga.
Mayroon kaya silang alam na ayaw nilang sabihin sa akin? Tungkol kaya iyon sa surpresa sa akin ni Arthur? Kahit medyo naiinip na siya at kung anu-ano na din ang pumapasok sa isip nya, hinintay pa din nya si Arthur. Pag-kalipas ng trenta minuto dumating na sa wakas si Arthur. Pasuray-suray na lumapit siya kay Crystal at bumaling sa mga tauhan nya na nag-aayos na para mag time out.
“Umalis na kayong lahat ngayon din!” Sigaw ni Arthur sa mga tauhan nya sa restaurant.
Agad namang kinuha ng mga tauhan nya ang kanikanilang mga gamit at mabilis na lumabas ng restaurant. Tumingin siya kay Crystal at itinuon ang mga kamay sa table.
“Buti naman nakarating ka.” Seryosong sabi nya sa dalaga.
“Ano bang nangyayari sayo Arthur?” Nag-aalalang tanong ni Crystal sa kanya.
BINABASA MO ANG
Alliance of a Broken Heart (Completed)
RomantizmPaano kung ang dalawang Broken Hearted ay pinag-tagpo ng tadhana? Napag-desisyunan nilang tulungan ang isa't-isa pero hanggang kailan nila mapapanindigan ang planong ginawa nila? Hanggang kailan sila mag-papanggap? Hanggang kailan nila itatago ang...