Chapter 30
Isang taon na ang nakakalipas pero sariwa pa rin sa alaala ni Crystal ang mga pangyayari nang sagasaan siya ni Kimberly.
Naghilom na ang mga sugat nya pero nananatili pa ring sariwa ang sakit na nararamdaman nya simula nang umalis si Ezekiel.
Simula nang gumaling siya ay umalis si Ezekiel papunta sa Singapore para sa expansion ng kanilang hotel business. Walang nagawa ang binata dahil siya lang ang inaasahan ng kanyang ama na tutulong sa kanya.
Nang gumaling siya ay nag-usap sila ni Ezekiel ng masinsinan. “I’m sorry, I made a very bad decision. I was wrong. Please be with me, I love you.”
Gulat na gulat si Ezekiel sa sinabi ng dalaga pero tuwang tuwa rin siya. “I’m sorry Crystal kung nasaktan kita at pinagtabuyan noon. Nagkamali din ako, nilihim ko ang tunay na nararamdaman ko. Mahal na mahal kita Crystal.”
“Kailangan ba talaga na ikaw ang umalis?” Malungkot na sabi ni Crystal.
Hinawakan ng binata ang kanyang kamay. “Ako lang kasi ang pwedeng pumunta doon. Hindi kasi alam ni kuya Errol ang mga gagawin doon kaya ako ang pupunta. Alam mo naman na sa bar nahuhumaling si kuya.” Matamlay na wika nya.
Niyakap siya ni Ezekiel. “Gaano ka naman katagal doon?”
“Babalik din naman ako agad kapag naayos ang lahat.” Hinawakan nya ang kamay ng dalaga at hinalikan. “Mahal na mahal kita Crystal.”
Napatayo siya sa kanyang sofa nang marinig nyang tumunog ang door bell. Lumakad siya at binuksan ang pinto. Nakita nya ang nakangiting si Aneth sa labas.
Agad namang yumakap sa kanya ang kaibigan. “Kamusta na Crystal?” Masiglang bati nya.
Ngumiti ng matipid si Crystal. “Okay lang naman best.”
“Naku, wag ka na masyadong mag-emo d’yan. Ang alam ko, malapit nang bumalik ang prince charming mo.”
Nanlaki ang mga mata nya. “Talaga? Saan mo nakuha ang balita na ‘yan?”
Ngumiti si Aneth. “Alam mo kasi, may reliable source ako sa hotel nila.”
BINABASA MO ANG
Alliance of a Broken Heart (Completed)
RomansaPaano kung ang dalawang Broken Hearted ay pinag-tagpo ng tadhana? Napag-desisyunan nilang tulungan ang isa't-isa pero hanggang kailan nila mapapanindigan ang planong ginawa nila? Hanggang kailan sila mag-papanggap? Hanggang kailan nila itatago ang...