Chapter 21

191 15 0
                                    

Chapter 21

Biglang lumayo si Crystal kay Arthur nang makita si Ezekiel. “Ezekiel.” Banggit nya sa pangalan ng binata.

Nag-kuyom ag kamao ni Ezekiel at biglang sinugod ng suntok si Arthur. “Gago ka! Anong ginagawa mo kay Crystal?”

Bumagsak sa sahig si Arthur at napahawak siya sa gilid ng labi nya na nagdugo. Napasigaw naman si Crystal sa biglang pagsugod ni Ezekiel. Aktong susugod pa ulit si Ezekiel nang biglang humarang ang dalaga sa pagitan nila.

“Tama na Ezekiel, Pakiusap.” Mangiyak ngiyak na wika ng dalaga.

Ngumisi naman si Arthur. “Tss. Wala ka nang magagawa pa Ezekiel, nagkabalika na kami ni Crystal.” Tumayo siya at inalalayan ni Crystal.

Lalong nang lisik ang mata ni Ezekiel sa sinabi ni Arthur. “Totoo ba ang sinabi ng gago na ‘yan Crystal?” Tinuro pa nya si Arthur.

Tumango siya at napayuko. “I’m sorry Ezekiel kung hindi ko agad nasabi sa’yo.”

Umakbay si Arthur sa dalaga. “Oh? Ano pang tinatayo tayo mo d’yan? Umalis ka na ngayon, baka ikaw naman ang makatikim ng suntok sa akin.” Mayabang na sabi ni Arthur.

Lalong nainis si Ezekiel sa inasta ni Arthur. “Walang hiya ka ah!” Susugod na sana siya pero lalong hinarang ni Crystal ang kanyang sarili sa pagitan nila.

“Ezekiel please, tama na.” Awat nya.

Nag-titigan ang dalawang binata. “Ito ang tatandaan mo Arthur, kapag pinaluha mo pa ulit si Crystal hindi lang ‘yan ang aabutin mo sa akin!” Bulyaw ni Ezekiel kay Arthur.

“Tss. Alam ko na ‘yan hindi ako tanga!” Bulyaw naman ni Arthur.

Masamang masama ang loob ni Ezekiel nang mga oras na iyon. Wala na siyang nagawa kundi umalis na lang sa condo ng dalaga. Tinalpak nya ang pinto nang umalis siya.

Dumeretso si Ezekiel sa bar ng kapatid nya. Hindi nya alam kung bakit nasasaktan siya sa naging desisyon ni Crystal. Nag-order siya ng hard drinks at nakita siya ng kuya nya na mukhang problemado.

Lumapit si Errol sa kanya. “Bro, anong problema mo?” Tanong ng kuya nya.

Alliance of a Broken Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon