Chapter 4

294 24 0
                                    

Chapter 4

Halos kaladkarin ni Errol ang nakababatang kapatid nya patungo sa reception ng kasal ng kanilang pinsan na si Emerson. Nang matapos kasi ang kasal tatakas na dapat si Ezekiel para umuwi ng bahay, wala na kasi siyang balak pang pumunta sa reception.

Pero nang paalis na siya agad siyang hinawakan ng kapatid nya at sinakay sa kotse. “Saan ka pupunta little brother?” Maangas na tanong ni Errol.

He sighed. “Bitawan mo ako Kuya Errol uuwi na ako, ayaw ko ng pumunta sa reception.” Matamlay na sabi ni Ezekiel.

“Sasama ka sa reception and it’s final Ezekiel!” Nang-gigigil na sabi ni Errol sa kapatid nya.

Kapag ganong nagagalit na si Errol sumusunod na agad si Ezekiel sa kanya dahil ayaw nya na nagagalit ang kuya nya. Parang bulkan kasi magalit si Errol, nag-tataka nga siya kung pinaglihi ng nanay nila si Errol sa init ng ulo dahil masayahing tao naman ang Mommy nila.

Wala ng nagawa si Ezekiel at umayos na lang ng upo at nag-lagay ng seat belt. Nauna na ang ibang bisita sa reception area at iilan na lang ang naiwan sa simbahan.

Kanina habang nag-mimisa sa kasal ng pinsan nila panay ang lingon ni Ezekiel sa likuran ng simbahan. Nag-babakasakali kasi siya na pupunta si Kimberly dahil invited din ang dalaga, ngunit halos namuti na ang mata nya ngunit hindi dumating si Kimberly.

Sana kahit sa reception man lang pumunta si Kimberly para makausap ko siya.

Alas siete na ng gabi ng makarating sila sa Montero Five Star Hotel. Naupo na lang sa sulok si Ezekiel malapit sa main entrance para makita nya agad si Kim kapag sakaling dumating ang dalaga.

Nakakailang inom na siya ng wine ngunit walang Kimberly na dumating. Kanina pa nya gustong maluha ngunit pinipigilan nya lang ang sarili dahil kahit paano nahihiya siyang umiyak sa harap ng madaming tao.

Sinubsob nya muna ang mukha nya sa table dahil medyo napadami na ang nainom nya. Wala siyang pakealam sa kasiyahan na nagaganap sa paligid dahil si Kimberly lang ang laman ng isip nya sa mga oras na iyon.

Lumakad palayo si Aneth para kumuha ng pag-kain at iniwan nya muna ang tulala na naman na si Crystal sa table nila. Pag-kabalik nya wala na ang kanyang bestfriend sa kanilang table.

Nasaan na kaya ang loka-lokang iyon. Napapailing na lang si Aneth at hinanap sa paligid si Crystal. Napagod na siya lahat-lahat pero hindi pa din nya makita si Crystal. Naku baka tinakasan na ako ng bruha na yun ah, pasaway talaga. Nag-lakad ulit siya para hanapin si Crystal at ng mapagod naupo muli siya sa table nila.

Alliance of a Broken Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon