Chapter 12

239 22 0
                                    

Chapter 12

Nag-madaling pumasok si Crystal sa kanyang silid at agad tinanggal ang bed sheet ng kanyang kama. Pinalitan nya agad iyon ng bago, pati comforter nya pinalitan na nya rin.

Kumuha siya ng susuotin na dress sa kanyang walk in closet bago demeretso sa banyo. Tinagalan nya talagang maligo dahil feeling nya sobrang dumi ng katawan nya.

Pag-katapos nya maligo nag-tuyo muna siya ng buhok at nag-bihis. Inayos nya na din ang ibang nag-kalat na gamit sa loob ng kanyang silid. Nakita nya ang panyo ni Ezekiel na nakakalat pa sa sahig. Pinulot nya iyon at nilagay sa kanyang laundry basket.

Nakasimangot na si Aneth nang lumabas siya ng kanyang silid. “I’m sorry kung natagalan ako.” Pag-hingi nya ng paumanhin sa kaibigan.

Umismid si Aneth. “Buti na lang pala talaga at maaga ako pumunta dito. Muntik na akong ugatan dito sa sofa mo eh. Ang bagal bagal mo talaga kumilos kahit kailan.” Nakasimangot na sabi pa nya.

Tinignan ni Crystal si Aneth ng masama. “Sorry na nga eh, dami mo pang sinabi dyan. Kain muna tayo sa labas bago manuod ha? Hindi pa kasi ako nakapag-almusal.” Sabi pa nya.

Ngumiti naman si Aneth. “Sure best, kakain tayo ng madami ngayon.” Tinaas taas pa nya ang kanyang dalawang kilay ng mag-kasabay.

Natawa naman si Crystal. “Masisira ang diet ko nyan Aneth.” Napapailing na sabi nya.

Sumimangot naman si Aneth. “Minsan minsan lang naman, pag-bigyan mo na ako.” lumabi na naman siya.

“Gym instructor ka ba talaga? Dapat nga ikaw ang nag mo-motivate sa mga clients mo na mag-take ng healthy diet eh.” Napapailing na sabi naman ni Crystal.

She rolled her eyes. “Okay, panalo ka na.” Sabi na lang ni Aneth.

“Paano nga pala ang main branch ng gym mo ngayon Aneth?” Tanong ni Crystal.

Kinampay nya ang kanyang kanang kamay. “Huwag mo muna problemahin iyon, nakausap ko naman ang secretary at mga tauhan ko. Sila na muna ang bahala sa business, magagaling na naman sila at mapag-kakatiwalaan.”

Tumayo na si Aneth at hinila na palabas si Crystal.

Kumain na muna sila sa isang sikat na Japanese Restaurant bago dumeretso sa mall. Pag-katapos nila kumain nag-shopping na din silang dalawa. Sa sobrang tagal nilang mamili inabot na sila ng lunch time kaya kumain na muli sila bago manuod sa sinehan.

Alliance of a Broken Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon