Chapter 18
Pinakilala pa ni Ezekiel si Crystal sa ilang mga kilalang tao sa lipunan na nandoon sa art gallery. Madami ang nag-sabi sa kanila na bagay na bagay silang dalawa.
Madami din ang pumuri sa angking kagandahan ng dalaga. Ipinakilala kasi siya ni Ezekiel bilang kanyang girlfriend kaya madaming babae doon ang nainggit sa dalaga.
Ten o’clock na ng gabi nang sila ay makaalis sa art gallery. Kumain sila sa isang restaurant na malapit sa art gallery na pinuntahan nila.
Hinatid siya ni Ezekiel sa kanyang condo pag-katapos nilang kumain. Sobrang nag-enjoy si Crystal sa pinuntahan nilang dalawa.
Natatawa pa din si Crystal hanggang makauwi siya dahil nakakatuwang kasama si Ezekiel. Panay kasi ang pag jo-joke nya habang nasa biyahe sila kaya hindi siya nakaramdam ng pagod.
Binuksan ni Crystal ang pinto ng kanyang condo. “Gusto mo ba muna na mag-kape bago ka umalis Ekie?” Tanong nya sa binata pag-kabukas nya ng pinto.
Napakamot sa batok si Ezekiel. “Wag na Crystal, baka kung ano pa ang magawa ko.” Seryosong sabi nya.
Kumunot ang noo ni Crystal. “Ano?” Nag-tatakang sabi nya.
Natawa si Ezekiel. “Wala, sabi ko aalis na ako kasi baka kasi pagod kana.” Paliwanag nya.
Tumango na lang si Crystal at umalis na si Ezekiel.
Pag-kaalis ni Ezekiel sa kanyang condo pumunta na si Crystal sa kusina para uminom ng tubig. Kasalukuyang iniinom nya ang tubig at napatingin siya sa pinto nang mayroong nag-doorbell, five minutes simula nang umalis si Ezekiel.
Binaba nya ang baso sa lababo at tumungo sa kanyang pinto para buksan iyon. Nag-salubong ang kanyang kilay nang makita nya si Ezekiel na nakatayo sa harap ng kanyang pinto.
“May nakalimutan ka ba Ekie?” Tanong nya sa binata.
Napakamot sa batok ang binata. “Ah, oo eh.” Tugon nya.
Kumunot ang noo ni Crystal. “Ano naman ‘yun?” Tanong nya.
Biglang lumapit sa kanya ang binata at nginitian siya. “Ito ang nakalimutan ko.” Bigla nyang hinalikan ng mabilis si Crystal sa kanyang mga labi.
BINABASA MO ANG
Alliance of a Broken Heart (Completed)
RomancePaano kung ang dalawang Broken Hearted ay pinag-tagpo ng tadhana? Napag-desisyunan nilang tulungan ang isa't-isa pero hanggang kailan nila mapapanindigan ang planong ginawa nila? Hanggang kailan sila mag-papanggap? Hanggang kailan nila itatago ang...