Chapter 11
Kinabukasan masakit ang ulo at buong katawan ni Crystal nang magising siya. Minasahe nya ang kanyang sintido at napapikit. Nagulat siya nang mayroon siyang naramdaman na gumalaw sa kanyang tabi.
Napatingin siya sa kanang bahagi ng kama at gulat na gulat nang makita nya si Ezekiel na tulog na tulog pa. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso.
Sinilip nya ang kanyang katawan sa ilalim ng comforter at napatili siya ng malakas. Hindi na nya napigilan ang mapaiyak at pinag-hahampas nya ang binata na himbing na himbing sa pag-kakatulog.
Nagising si Ezekiel na masakit din ang ulo. Pupungas pungas na naupo siya sa kama. “A-ano ba?” Napalingon siya sa dalaga at gulat na gulat siya nang makita nya si Crystal.
Humahagulhol na si Crystal habang patuloy na hinahampas si Ezekiel. “Anong ginawa mo! Walang hiya ka!” Sabi nya habang patuloy sa paghampas.
Hinarang naman ni Ezekiel ang kanyang braso pangsalag sa panghahampas ng dalaga. “Teka ano bang sinasabi mo? Bakit ikaw ang kasama ko? Si Kimberly ang kasama ko kagabi ah?” Sunod sunod na tanong ng binata.
Patuloy pa din sa pag-iyak si Crystal at hindi malaman ng binata kung ano ang kanyang gagawin. Sumubsob si Crystal sa kanyang mga tuhod at nag-patuloy lang sa pag-iyak. Napatingin sa paligid si Ezekiel at nakita nya na nag-kalat sa sahig ang mga damit nilang dalawa.
Natampal ni Ezekiel ang kantang noo at napasabunot siya sa kanyang buhok. Naunawaan na nya kung bakit ganoon na lang ang pag-tangis ni Crystal. Hindi nya alam kung ano ang kanyang sasabihin dahil parehas silang lasing na lasing kagabi.
Napag-kamalan nya si Crystal na si Kimberly dahil ang natatandaan nya, si Kimberly ang kasama nya kagabi. “I’m very sorry Crystal, hindi ko alam ang nangyari sa atin. Wala ako sa sarili ko kagabi at hindi malinaw sa isipan ko ang nangyari.” Nakayukong sabi nya.
Inabot ni Ezekiel ang mga damit nya na nag-kalat sa sahig. Nag-simula siyang mag-bihis habang patuloy pa din sa pag-iyak ang dalaga. Natigilan siya nang makita nya ang bahid ng mapulang mantsa sa kama.
Tarantang lumapit siya sa dalaga, hindi nya alam kung paano aaluin ang dalaga. Hindi nya alam kung yayakapin ba nya si Crystal o hahaplusin ang kanyang likod. Pinatong nya na lang ang kamay nya sa balikat ng dalaga.
Napaigtad si Crystal sa ginawa ni Ezekiel. Hinampas nya palayo ang kamay ng binata at lumayo sa kanya. “I’m really sorry Crystal, hindi ko talaga alam ang nangyari.” Malungkot na sabi pa ni Ezekiel.
BINABASA MO ANG
Alliance of a Broken Heart (Completed)
RomancePaano kung ang dalawang Broken Hearted ay pinag-tagpo ng tadhana? Napag-desisyunan nilang tulungan ang isa't-isa pero hanggang kailan nila mapapanindigan ang planong ginawa nila? Hanggang kailan sila mag-papanggap? Hanggang kailan nila itatago ang...