Chapter 14

223 22 1
                                    

Chapter 14

Tuloy na tuloy na naman ang pag-papanggap na sinimulan nilang dalawa. Nag-plano silang dalawa ng mga gagawin nila sa harap nila Arthur at Kimberly. Walang kaalam alam ang dalawa na si Ezekiel ang makakaharap nila mamayang gabi na ipapakilala ni Crystal bilang kanyang nobyo.

Ngayon pa lang iniisip na nila kung ano ang magiging reaksyon nila Arthur at Kimberly kapag nakita sila na mag-kasama. Nawala na ang tension sa pagitan nila Crystal at Ezekiel dahil sa pag-uusap nila ng masinsinan.

Six thirty na sila umalis sa condo ni Crystal patungo sa restaurant na pag mamay-ari ni Arthur. Kotse na lang ni Ezekiel ang ginamit nila dahil ihahatid naman siya ng binata pauwi sa condo nya.

Malapit nang mag alas siete ng marating nila ang restaurant ni Arthur. Inalalayan ni Ezekiel na makababa ng kotse ang dalaga. Kumapit si Ezekiel sa siko ni Crystal at inalalayan ang dalaga sa pag-lakad.

Tumigil si Crystal. “Ezekiel, sandali lang.” Huminga siya ng malalim.

Tumingin naman si Ezekiel sa kanya. Nag-simula siyang mag-pagpag ng kanyang dalawang kamay pinag-papadyak nya din ang kanyang mga paa.

Bumuntong hininga siya at ngumiti. “Tara na, okay na ako. Nag-tanggal lang ako ng nerbyos sa katawan.” Kumapit na siya sa matipunong braso ng binata at dumeretso na sila sa restaurant.

Ubod tamis ng mga ngiti ni Ezekiel at Crystal nang pumasok sila sa loob ng restaurant ni Arthur. Nakayakap si Crystal sa matipunong braso ng binata at nakadikit din ang katawan nya kay Ezekiel.

Nakakapit naman si Ezekiel sa seksing balakang ni Crystal habang masigla silang lumalakad. Halos lahat ng mga mata ng mga tao na nasa restaurant ay na pako ang tingin sa kanilang dalawa.

Madami ang humanga sa kanilang dalawa. Mayroon pang napa wow nang makita sila na pumasok sa main door ng restaurant. Napatanga naman kay Crystal ang ilang crew sa restaurant dahil halos hindi na nila nakilala ang dalaga.

Ang isang crew naman ay napatitig sa dalaga habang nag-sasalin ng tubig sa isang baso. Hindi na niya namalayan na umapaw na pala ang tubig sa baso.

Nagulat naman ang customer na pinag-sisilbihan ng waiter dahil tumulo na ang tubig sa kanyang palda. “Ano ba ‘yan?” Napatayo ang babae dahil sa pag-kagulat nang matapon sa kanya ang malamig na tubig.

Agad namang nag-sorry ang waiter sa babae. Nainis naman ang babae at pinalayas sa harapan nya ang waiter. Umalis siya at nag-punta sa ladies room.

Alliance of a Broken Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon