Chapter 4

12.2K 331 25
                                        

Chapter 4

Tariq

I smiled when I saw my five year old son together with his mother. Lumapit ako sa kanila at binuhat ang aking anak.

"Hello, dada! I missed you." bati ni Lewes Alessio sa akin.

"I missed you too, kiddo." I said while carrying him. I looked at Via who is looking at us, nakangiti ito sa amin.

"Hi." Bati ko.

"Hi Tariq, how are you?" she asked softly.

I felt some small bumps on my skin when I heard her say my name. It's been six years since we've met and yet her effects to me doesn't change. "I'm ok. Napagod ka ba sa biyahe?"

"Sort of. Iuuwi ko muna si Lewes para makapagpahinga, I hope you don't mind." She said.

"Mommy, I want to be with Dada." sabad ng anak namin.

"Hindi ka ba napagod sa byahe, baby? Ilang hours tayong nakasakay sa airplane, you should take a rest."

"But mommy, I want Dada." I know our son will start to throw some tantrums kaya nagsalita na ako.

"I can take him to my house, Via. Doon na muna siya magpapahinga, if you want you can go with us." I offered.

"Yes, mommy let's go to Dada's house." Yaya ng anak ko.

Marahang umiling si Via. "I can't, I need to meet my parents but Lu can go with you."

"I understand." Binalingan ko ang anak namin na buhat-buhat ko pa rin. "It's just you and me, buddy. We are going to have fun." Bulong ko sa kaniya.

"We'll play video games?" He whispered back. Obviously, he doesn't want his mother to hear what we are planning to do.

Tumango ako. "Ihahatid ka na namin." I said to Via.

"No need, Sean is with us, nauna lang kaming lumabas dahil excited si Lu na makita ka."

Parang may sumuntok sa dibdib ko sa sinabi niya. She's with that man again? Ano ba talaga ang relasyon nila ngayon?

"Be a good boy, baby." She said to our son then gave him a kiss. "Behave ka lang, wag papasakitin ang ulo ng Dada mo." Paalala niya pa.

Alam ko kung gaano kapilyo ang anak namin kaya hindi na ako nagulat sa paalala ni Via.

"Yes, mommy."

"Ok. I'll check your Tito Sean. Tariq ikaw na ang bahala sa kaniya and please let him have a nap, kulang 'yan sa tulog dahil sobrang excited na makita ka "

"Ako ng bahala, ihahatid ko siya before 7pm."

"Ok, thank you. Bye, baby!" Paalam niya kapagkuwan ay tumalikod na sa amin and while watching her walking away, I felt a thousand knives stab my heart. Ilang beses ko ng naramdaman ito simula ng maghiwalay kami. Tuwing pinapanood ko siyang umaalis ay parang naninikip ang aking dibdib.

Habang nagmamaneho ako pauwi ay walang ginawa ang anak ko kung hindi magkwento ng magkwento dahilan para mawili ako ng husto.

Sa anim na taon na magkahiwalay kami ni Via ay maraming nagbago, Via is one of the country's pride, she's one of the famous wedding gown designer, she even designed Princess Anna's gown.

"Daddy, can I tell you a secret?"

"What is it, buddy?" Tanong ko, bahagya ko siyang sinulyapan bago ibinalik muli ang tingin sa daan.

"Mommy's getting married." Aniya dahilan para matapakan ko ng malakas ang preno, muntikan pang sumubsob ang anak ko buti nalang at naka-seat bealt ito.

Itinabi ko ang sasakyan sa gilid. "What did you say, Lewes?"

"I heard mommy and tito Sean talking about marriage."

Talking about marriage? Magpapakasal na sila? Bakit ang bilis naman? At sa pangalawang pagkakataon ng araw na ito, I felt like dying. Huling-huli na ko, Via fell and she fell to another man. Gusto kong magwala, gusto kong magsisigaw but I can't do that, not in front of my son.

"A-and that's ok with you?" Tanong ko pa.

"Mommy seems happy so I'm ok with it. I want mommy to be happy."

"She's happy?"

"Yes, I always see her smile kapag kasama niya si Tito Sean."

Hanggang ngayon hindi pa rin ako kayang ngitian ni Via tulad ng ngiting ibinibigay niya sa akin noon, I badly miss her bright smiles and that Sean can make her happy habang ako ay walang idinulot kundi sakit. I can't blame her for falling for that man but it f*cking pains me. Even my son thinks that he is worthy.

"But the truth I want you and mommy...gusto ko tayo ang family, gusto ko isa lang ang house natin just like my classmates pero sabi ni mommy hindi na daw pwede iyon. Why, daddy? Bakit hindi na pwede?" Parang maiiyak na tanong ni Lewes, he looks so vulnerable and hurt.

Kinalas ko ang seatbelt ko at niyakap ang aking anak. "I'm so sorry, Lewes."

Kasalanan ko kung bakit hindi na pwede. It was all my d*mn fault. Bumitaw ang mommy mo dahil kahit kailan hindi ko siya binigyan ng dahilan para manatili sa tabi ko.

Rewrite The Stars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon