Chapter 23*

6.1K 147 12
                                        

Chapter 23


Via


"Are you ok?" Tanong ko kay Tariq when I saw him on the balcony---smoking. Mabilis niyang pinatay ang sigarilyo at itinapon iyon sa basurahan.


"Sorry." He immediately apologized. Ayaw na ayaw ko kasing naninigarilyo siya. It's bad for his health at syempre sa amin ni Lewes.


"I thought you're not smoking anymore." Lumapit ako sa kaniya at tinanaw ang napakaraming ilaw.


"Ngayon lang naman. I never smoked since you left me."


I raised my right eyebrow. "At ngayong bumalik ako ibabalik mo rin?"


"No, love. I just need to puff."


"Why?" I asked. I wanted to ask about that girl. "Are you stress? Ayaw mo na ba sa akin? If ayaw mo na we can leave naman anytime." Sabi ko na parang iyon ang pinakanatural na pwedeng sabihin. I maybe love him pero kung napagtanto niya na he doesn't want me or he doesn't love me anymore then I'm willing to to leave even it pains me. Ayoko namang ipilit ang sarili ko tulad ng ginawa ko noon. Ipinilit ko pa rin ang sarili ko kahit na ilang beses niyang ipinamukha na hindi niya ako mahal.


I saw him stilled. "Y-you're going to leave?"


"Yes, Tariq." Simpleng sagot ko.


"Pero ang sabi mo mananatili ka sa tabi ko? You told me that you are going to give me a chance? Via, isang araw pa lang. Isang araw pa lang. Please, don't take this happiness from me. Huwag naman ganito kabilis."


I was taken aback when I saw hurt he is. "T-tariq, I'm sorry." Hingi ko ng paumanhin. I want to wash away the pain he is feeling pero parang nadagdagan pa iyon sa paghingi ko ng tawad.


Bigla siyang lumuhod dahilan para mapasinghap ako. He hugged my waist. "No. Please don't do this to me, Via. Huwag mo namang bawiin ang pagkakataong ibinigay mo sa akin. "


Did he think na kaya nag-sorry ako ay dahil babawiin ko ang pagkakataong ibinigay ko?


"I'll try harder. Hayaan mo namang ipakita ko sa'yo na karapatdapat ako. Please, Via I'm begging you. Don't take this chance away from me."


"I'm not taking your chance away well...if you still want it.


"Really?" Bakas pa rin ang pag-aalala sa kaniyang mukha.


Tumango ako at doon siya tumayo kapagkuwan ay yumakap ng napakahigpit. "I thought...f*ck! Akala ko mawawala ka na naman sa akin."


"Tariq," Masuyo kong tawag sa kaniyang pangalan. "Ayoko ng masaktan. Please don't hurt me kaya kung ayaw mo na I can leave now, ayoko ng maulit iyong dati na kahit na alam kong pinakasalan mo lang ako because you want to hurt my mother ay sumige pa rin ako. Spare me from pain, ok?" I pleaded. Ayoko na talagang masaktan because I'm not sure if I can still take it at kung makakatayo pa uli ako once na maramdaman ko uli iyon. Mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya.


"Mahal na mahal kita, Via. I won't hurt you again. I love you more than my father loved your mother."


My heart melts. Tito Trevor's love for my mother is immeasurable and to surpass that parang imposible na pero gusto kong maniwala...gusto kong maniwala na mahal na mahal niya ako. That this man can truly love me without any hidden agenda that can hurt me.


Humiwalay ako sa kaniya then I looked at him. "Make me fall, Tariq. Make me fall harder hanggang sa masabi ko na uling mahal kita because God know's how much I want to give my son a complete family."


God know's kung gaano kita kamahal but I need assurance, I need to see how much you truly love me.


Tumango-tango siya. "Thank you. Thank you." Niyakap uli niya ako at maya't-mayang binibigyan ng magaang halik sa ulo.



Tariq


I won't mess up. Hinding-hindi na ako magkakamali. I will forget that woman. It was just a mistake. A mistake na hinding-hindi makakaapekto sa kung anong meron sa amin ngayon ni Via. It was just a one night stand and I f*cking thought it was the love of my life.


Via and Lewes are sleeping now habang ako ay hindi makatulog. I'm afraid na paggising ko kinabukasan ay panaginip lang ito. She asked me to make her fall and I will gladly obliged. I will make her fall na kapag bumalik si Sean ay hinding-hindi na siya makakaramdam ng kalituhan. Via is mine. Akin lang siya and I believe what happened between my father and her mother was a sign---they are not destined dahil kami ni Via ang nakatadhana para sa isa't-isa.


Lumipat ako sa tabi ni Via at yumakap sa kaniya. Naalimpungatan siya. She smiled. "Sleep now, love." She said sleepily then closed her eyes.


Did she calls me love?! And because of that lalo akong hindi nakatulog.


"Dada, bakit ang pangit mo?" Tanong kinabukasan ng anak ko.


Puyat lang, pangit na agad?


"Lewes," Bawal naman ni Via.


"Sorry, mommy pero I'm telling the truth mukhang panda si Dada." Syempre dalawang araw na akong walanv tulog. Pangalawang araw na rin simula ng gabi na binigyan ako ng chance ni Via tapos kagabi parang roller coaster ang emosyon ko. Lungkot, takot, saya but at the end of the night kilig.


I went to Via, umupo ako sa upuan na malapit sa kaniya and hugged her. Mananantsing este magpapalambing ako. "Am I ugly?" Nakabaon ang mukha ko sa kaniyang dibdib. She's standing kaya normal lang na sa dibdib niya ako sumubsob, hindi dahil nananantsing ako.


"Hmm...mukha kang panda but pandas are cute." She said with a giggle.


"You like pandas, right?" I looked at her while still hugging her.


"I find them cute but not to the point that I want to marry one." She told me na nagpangiti ng malawak sa akin so she's now thinking of marrying me again? "Lagi ka kasing nagpupuyat. Try to sleep early. Maayang gabi, 8pm dapat tulog ka na."


"8pm? That's too early." Reklamo ko.


"Iyon rin po ang sinabi ko." Sabat naman ni Lewes na 8pm rin ang sleeping schedule.


Pinagtaasan niya ako ng kilay. She doesn't need to say a thing dahil alam ko na ang ibig sabihin noon. "Sabi ko nga 8pm tulog na ko." I murmured.


"Bumalik ka na sa tabi ni Lewes. Malapit ng matapos ang niluluto ko." She said. Agad naman akong sumunod.


"Napaayos ko na iyong kwarto mo. You can sleep there tonight, kiddo."


"What?" Sabay na tanong ng mag-ina ko.


"Lewes can sleep in the other room. Napaayos ko na iyon."


Parehong kunot na kunot ang noo ng dalawa. "I can't sleep without my mommy." Lewes said.


"That's right. Hindi siya makakatulog ng walang katabi." Ani Via.


"Well, kiddo you should learn now. You're a big boy kaya dapat may sarili ka ng kwarto."


Lewes looked at his mom. Asking for help. "No, Tariq. Bata pa naman siya. He can still sleep with us. He's still my baby boy."


I smiled at her, naughtily. "Gagawa uli tayo ng baby mamayang gabi. Hindi pwede ang bata doon." Sabi ko dahilan para mamula ang kaniyang buong mukha. Binalingan ko si Lewes. "You want to be a kuya? Then do as I say." I whispered.


Mabilis akong lumapit kay Via at bumulong sa kaniyang tenga. "Fall harder? Well, love I will let you moan louder tonight."

Rewrite The Stars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon